Wednesday , April 16 2025

Katutubong gas para sa enerhiya isineseguro ni Pia

070124 Hataw Frontpage

ISINUSULONG ni Senadora Pia Cayetano ang paggamit ng indigenous gas upang siguruhin ang seguridad at katiyakan ng enerhiya sa bansa.

Umigting ang pagnanais ni Cayetano, chairwoman ng Senate committee on energy, na maisulong ang pagpapalago ng katutubong gas matapos bumisita sa Malampaya Shallow Water Platforms na matatagpuan 50 kilometro sa baybayin ng Palawan kasama ang mga opisyal ng Prime Infra at Prime Energy upang maisulong ang long-term solution sa pagtitiyak ng pambansang seguridad at katiyakan ng enerhiya.

“When you experience this [visit] and you see the kind of investments that goes into ensuring energy security and energy reliability. Reliability is you will have power 24/7, security is when you have access, and that is where indigenous [gas] comes in. When we have our own source, that gives us more security. It’s very simple…kung ako ang tatanungin mo, ‘yan ang priority ko. ‘Yung security natin na ang bansa natin, hindi mapipilay dahil wala tayong koryente,” ani Cayetano.

               Ang Malampaya Deepwater Gas-to-Power project ay ang una at tanging katutubong pinagmumulan ng gas sa bansa na matatagpuan sa lalawigan ng Palawan. Ito ay nagbibigay ng halos 20 porsiyento ng pangangailangan ng koryente sa Luzon at malaki ang naitulong sa kasarinlan ng bansa sa enerhiya mula noong 2001.

“Our next big challenge is exploration and ensuring energy supply for the next 15, 20 years. Because our supply now is based on the planning that was done 20 to 30 years ago…It’s about planning long-term. That’s what I hope I can bring to the discussion

and help by the way of policy making,” dagdag ni Cayetano.

Agad pinasalamatan ni Guillaume Lucci, Pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng Prime Infra si Senador Cayetano para sa kanyang pagbisita, kasunod ang pagbibigay-diin na ang pagpapakita ng isang miyembro ng Senado sa mga pagsisikap ng koponan na “panatilihin ang ilaw” ay nagpapakita ng kahalagahan ng kanilang trabaho.

Iginiit ni Lucci na ang pagbisita ng senadora ay nagtugma sa patuloy na paghahanda ng Malampaya para sa kanilang Phase 4 drilling program, na layuning magkaroon ng dalawang bagong deepwater wells simula 2025 at mag-produce ng bagong gas sa 2026.

“We remain committed to supporting the Department of Energy’s initiatives to enhance

the development of the country’s indigenous fuel resources the idea being that gas is a natural transition fuel as the Philippines moves towards renewable energy,” diin ni Lucci.

Sinabi ni Donnabel Kuizon Cruz, Managing Director at General Manager ng Prime Energy, ang pagsasaliksik at pagpapaunlad ng isang late-life gas field tulad ng Malampaya ay nangangailangan ng mga kahanga-hangang gawain sa engineering na nakalaan ang Prime Energy at ang SC 38 Consortium na gawin itong ligtas.

“The pressure of the gas in the existing reservoir is going down and the only way to increase the production again is to drill new wells in the same reservoir… we’re more than ready to do it. The plan is to drill in 2025 for the new gas to come in 2026. We’re

not just increasing gas production but extending the life of the platform as well through maintenance activities,” ani Cruz. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …