Sunday , December 22 2024
Jed Madela

Jed Madela handang-handa na sa kanyang birthday concert, Welcome To My World 

HINDI na mabilang ang achievements ni Jed Madela sa loob ng mahigit na dalawang dekada bilang artist, mapa-internasyonal man o lokal na entablado.

Sa katatapos na presscon na tinaguriang The Voice Jed Madela noong June 24, 2024, pinag-usapan ang ukol sa nalalapit niyang birthday concert sa July 5, 2024, sa Music Museum. Nagsilbi rin iyon bilang pagdiriwang ng kaarawan at achievements sa kanyang karera.

Natanong si Jed ukol sa mahalagang awitin sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya at sinabi nito ang Superman (It’s Not Easy) ng Five for Fighting. 

Aniya, “Pinili ko ‘yung song na ‘yun to introduce myself na I may have this powerful voice, but I’m also human. And, ipina-areglo ko lang siya to make it a big, big song, and ‘yun ‘yung unang kanta talaga na naging parang theme song ko.

Noong 2017, naging isa siya sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime at nanatiling hurado sa loob ng 11 season. Naging hurado rin siya sa Your Face Sounds Familiar ng dalawang season at naging vocal mentor ng mga celebrity contestants. Regular din siyang napapanood sa ASAPtuwing Linggo.

Simula 2003, nakapag-release na si Jed ng 11 albums, kabilang ang nine na studio albums, isang holiday album, at isang compilation album. Siya rin ang kauna-unahang Filipino na napabilang sa Performing Arts Hall of Fame sa Hollywood.

Naging Star Magic Kapamilya si Jed   noong 2010, at nag-renew kamakailan ng  kontrata sa talent management. Sabi niya, “I’m with Star Magic pa rin ‘di ba, and Direk Lauren (Dyogi), we spoke. Sabi ko sa kanya, Direk Lauren, ano pa bang nakikita mo sa akin na kaya kong gawin? I’m open to whatever projects Direk Lauren thinks is suitable for me.”

Bilang isang seasoned performer, marami na siyang mga naging matagumpay na concerts. Mula sa kanyang unang solo concert sa Araneta Coliseum noong 2018, online digital concert na New Normal noong 2020, at sa kanyang concert na Here and Now noong December 2023,  ipinagdiwang niya ang dalawang dekada sa music industry sa concert na ito. At sa July 5, ipagdiriwang naman niya ang kanyang kaarawan sa isang special concert, ang Welcome to My World sa Music Museum.

“’Welcome to My World’ kasi is going to be a general story of what I’ve been through in the past 20 years and what I am going through in this specific moment, and kung ano pa ‘yung plans ko in the near future,” aniya.

“The concert ‘Welcome to My World’ is an extra special concert, kasi kung hands-on ako sa mga past concerts ko, itong concert na ‘to, pati feet on,” sabi pa ng magaling na singer.

Nakakasa na rin ang mga show ni Jed abroad. Magpe-perform siya sa July 12, 2024  sa Sheraton Laguardia East Hotel sa Flushing, New York, USA at July 27, 2024 naman sa  Ovation Hollywood, Los Angeles, California. Sigurado rin na matutuwa ang kanyang mga kababayan sa Iloilo dahil bibisita at magpe-perform siya sa Iloilo Convention Center sa September 21, 2024.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …