Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LTO LTFRB

Babaeng pasahero ipinahiya ng driver, suspensiyon ng lisensiya inirekomenda ng LTFRB

INIREKOMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na magpataw ng suspensiyon laban sa lisensiya sa pagmamaneho ng  jeepney driver na sangkot sa panghihiya sa  kanyang pasahero dahil sa katabaan.

“The Board hereby recommends to the Land Transportation Office that the driver’s license of Mr. Arneto Palisan, be suspended in accordance with RA 4136,” ayon sa rekomendasyon ng LTFRB na may petsang 25 Hunyo 2024.

Bukod sa suspensiyon ng lisensiya, pinagmumulta din ng LTFRB ang driver ng P15,000 gayondin ang may-ari ng jeepney dahil sa pag-eempleyo ng isang driver na bastos, hindi naghahatid sa destinasyon, at panlalait sa katawan ng pasahero.

“The evidence presented in the hearing of the body-shaming case, tilts in favor of the complainant. It is as clear as the day that the driver, his conductor as well as the operator is at fault in this instance.

“The act of the driver and his conductor is not only abominable but has no place in a civilized society. The degradation and humiliation suffered by the complainant coupled with the brazen admission and unapologetic behavior of the driver and his conductor deserved scant penalty from this office,” ayon sa LTFRB Board.

Kasabay nito, binalaan ng LTFRB ang mga jeepney operator at mga drivers na huwag gayahin ang asal ni Palisan, kung hindi ay haharapin din nila ang legal action ng ahensiya.

Matatandaan na nagsampa ng reklamo si  Joy Gutierrez laban sa driver at sa kanyang konduktor sa pamamahiyang ginawa sa kanya dahil sa katabaan habang sakay ng jeep. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …