Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala ay interview sa kanya tungkol sa pagiging reservist, at matagal na raw iyon, hindi bagong video. Iyon daw sinasabing paghuhubad niya nasa script naman daw iyon na ginawa nilang blog.

Pero alam naman ninyo ang takbo ng isipan ng mga tao, lalo na’t ilang araw pa lamang ay nakuha ng mga nag-raid sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga ang isang papeles na nagsasabing isasama ni Roque ang modelo at contest winner na si AR dela Serna sa trip niya sa Europe. Sinabi niyang kailangan niya ng travel companion dahil siya ay diabetic, may stent na sa puso, at may kung ano pang ibang sakit. Kaya naman kinukuwestiyon din ng ilan kung bakit nga ba isang male model at contest title winner ang isinama niya at hindi isang doctor o nurse na mas makatutulong sa kanya just in case. At ang laki ng suweldo  ha P54K a month simula Enero hanggang Disyembre noong 2021.  

Isabay mo na riyan ang bumababa nang popularidad ng mga Duterte na kakampi ng China at ngayon isa pa sa defenders ni Apollo Quiboloy, bumaba na ang kanilang kredibilidad. 

Sana nga huwag namang madamay talaga si Ronnie sa mga usapan, matagal din siyang nagsikap sa kanyang career. Hindi naman siya sinuwelduhan ng P54K a month, tapos dahil sa isang lumang video sa blog nadamay pa siya sa tsismis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …