Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza David Licauco

David umaming pwedeng main-love kay Barbie

MALAYO na talaga ang narating ng BarDa loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco dahil sa sunod-sunod na teleserye ng dalawa na talaga namang nagkiki-click sa masa.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng romantic-comedy sina Barbie at David na pinamagatang That Kind of Love. 

Istorya ito ng isang love coach portrayed by Barbie na na- inlove sa kanyang mayamang kliyenteng si David.

Sa katatapos na grand media conference ng pelikulang That Kind  of Love ay buong tapang na sinagot nina Barbie at David ang tanong ng mga media tungkol sa kanilang tunay na relasyon.

Alam kasi naman ng lahat na boyfriend ni Barbie si Jak Roberto in real life kaya natanong kay David, sakaling single si Barbie, posible kayang ma-inlove siya rito?

To be honest, Barbie is a girlfriend material, she is nice, beautiful and very kind so to answer that question, yes but of course, we are here as a love team and we just do our best para pakiligin ang aming fans as a loveteam,” mahinahong sagot ni David.

May isa pang press ang nagtanong kay David kung single ba raw ito ngayon or may girlfriend?

What you see is what you get, kung may nakita kayo sa social media ko na may kasama ako or sa daan na may ka-holding hands kayo na po ang humusga,” muling sagot ni David.

Alam n’yo po kung may higit na nakakakilala kay David ako po ‘yun kasi ako ang madalas niyang nakakasama. He is a private person and as much as possible ayaw niyang pinag-uusapan ang personal niyang buhay kaya hayaan na lang po natin siya, sa kanyang personal na buhay,” pagtatanggol ni Barbie kay David.

Natanong ng inyong lingkod kung ano bang preparation ang ginagawa ng dalawa kapag mayroon silang intimate scenes like kissing scene?

Naku ‘yang si David nanghihiram sa akin ng toothpaste ‘yan, he make sure mabango hininga niya before our intimate scenes bilang respeto niya raw sa kin,” natatawang kwento ni Barbie.

Makakasama nina Barbie at David sa pelikula sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet and Kaila Estrada written by Ellis Catrina and directed by Catherine Camarillo. This is produced by Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment. That Kind of Love opens in cinemas nationwide on July 10, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …