NAGBITIW si Vice President Sara Zimmerman Duterte – Carpio bilang Secretary ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) epektibo kahapon, 19 Hulyo 2024.
Agad itong tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngunit tumangging magtukoy ng mga pangalang posibleng maging kapalit ni Duterte.
Personal na dinala ni Duterte ang kanyang resignation paper sa Palasyo ng Malakanyang ngunit tumanggi siyang tukuyin ang dahilan sa likod ng kanyang pagbibitiw sa Cabinet position.
Sa isang press briefing, sinabi niyang hindi lulan ng kanyang kahinaan ang kanyang pagbibitiw ngunit ito ay dala ng tunay na malasakit para sa mga guro at kabataang Filipino.
Tiniyak ni Duterte, sa kabila ng pagbibitiw, ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng kalidad ng edukasyon na nararapat para sa mga Filipino.
Hindi naitago na tukuyin ang kanyang mga nagawa sa loob ng dalawang taon kabilang ang pagsasaaayos ng kalagayan ng mga guro partikular ang pagpapatupad ng 30 araw na no mandatory o voluntary task break.
Ang acceleration ng basic education at infrastructure facilities, ang promotion ng safety learners at kanilang well-being, at ang probisyon na magtitiyak ng suporta para sa mga guro para sa kanilang kalidad at kapakanan.
Siniguro ni Duterte na patuloy siyang titindig bilang isang ina para sa kapakanan ng bawat guro at mag-aaral sa Filipinas.
Hindi naitago ng ilang mga empleyado ng DepEd na mabigla sa naging desisyon ng Vice President ngunit umaasa sila na magiging maayos at makikita nila ang kalihim sa ahensiya sa loob ng 30 araw na transition period.
Kaugnay nito tahasang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na inevitable o hindi maiiwasan ang pagbibitiw ni Duterte lalo na’t patuloy na inaatake ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga kapatid ang Pangulo at iba pang miyembro ng Unang Pamilya.
Naniniwala si Escudero, naging daan ang pagiging tahimik ng ikalawang Pangulo ukol sa usapin ng West Philippine Sea (WPS), Bagong Pilipinas hymn, at sa mga kaso at tangkang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.
Umaasa si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na agarang ihahayag ng Pangulo ang magiging kapalit ni Duterte.
Suportado nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at nakatatandang kapatid ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos ang naging desisyon ng Bise Presidente.
Ayon sa kapatid ng Pangulo kasama siya ni Duterte sa bawat hakbang, bawat araw, at bawat laban nito dahil iisa ang nais nila at ito ay ang magwagi at magtagumpay ang mahal na bayang Filipinas.
Naniniwala si Dela Rosa na ang pagmamahal sa bayan at bansa ni Duterte ay hindi kayang tawaran at tumbasan ng kahit ano pa man.
Tulad ng ibang senador, nanghinayang si Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa naging desisyon ng Vice President.
Tinukoy ni Gatchalian, maganda at maayos ang relasyon nila ng DepEd lalo sa larangan ng pagsusulong ng maayos, maganda, at may kalidad na edukasyon sa bansa.
Ngunit iisa lamang ang pakiusap ng mga senador, igalang at irespeto ang naging desisyon ng Bise Presidente anoman ang tunay na dahilan sa likod ng kanyang pagbibitiw. (NIÑO ACLAN)