Monday , May 12 2025
Win Gatchalian

Gatchalian segurado, sinalakay na POGOs lisensiyado ng PAGCOR

TINIYAK niSenador Win Gatchalian na ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na ngayon ay tinatawag na Internet Gaming Licensees (IGLs), na ni-raid ng mga awtoridad ay lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Ito ang pahayag ni Gatchalian, matapos sabihin ng PAGCOR na ang lahat ng mga POGO na nare-raid ay walang lisensiya mula sa kanila.

               Kabilang dito ang mga ni-raid noong nakaraang taon tulad ng Colorful and Leaf Group, isang sublessee ng PAGCOR-licensed CGC Technologies sa SunValley sa Clark Pampanga; Smartweb Technology Corp.; at Rivendell sa Pasay City.

Ang mga ito ay sangkot sa human trafficking, illegal detention, torture, iba’t ibang anyo ng online fraud, scamming, at prostitusyon, ayon kay Gatchalian.

Ang Hongsheng Gaming Technology at Zun Yuan Technology na matatagpuan sa Bamban, Tarlac ay mayroong lisensiya mula sa PAGCOR noong ni-raid ang dalawang kompanya.

Ibinunyag ng senador na batay sa mga opisyal na dokumento, nagsagawa ng inspeksiyon ang PAGCOR sa Hongsheng ilang linggo bago ang raid noong 1 Pebrero 2023, at nakalagay mismo sa inspection papers na sumunod ito sa health and safety protocols.

“Ang mas nakagugulat pa, ininspeksiyon ng PAGCOR ang Hongsheng sa mismong araw na ni-raid ang kompanya,” desmayadong pahayag ni Gatchalian.

Batay sa opisyal na rekord ng PAGCOR, sinabi ni Gatchalian na may provisional license ang Zun Yuan nang ma-raid ito at doon sa mismong araw lang ng raid kinansela ng PAGCOR ang provisional license ng Zun Yuan.

Dagdag ng senador, mula 1-10 Marso 2024, nagsagawa ng inspeksiyon ang PAGCOR sa Zun Yuan at walang nakitang iregularidad noong panahong iyon.

Ni-raid ang Zun Yuan noong 13 Marso 2024.

“Sa kaso ng Lucky South 99 Outsourcing Inc., sa Porac, Pampanga, may katibayan ang mga awtoridad na konektado ito sa Hongsheng na lisensiyado ng PAGCOR. ‘Yung mga walang lisensiya, ginagamit nila ang may lisensiya para makapasok sa Filipinas ang mga foreign nationals na gumagawa ng mga krimen. At ‘pag may lisensya ka na sa PAGCOR, mabibigyan ka na rin ng Alien Employment Permit mula sa DOLE pati na Alien Certificate of Registration Identity Card mula sa Bureau of Immigration,” paliwanag ni Gatchalian.

“Tila nahawa na yata ang PAGCOR kay Mayor Alice Guo at hindi na naalala na ‘yung ibang nare-raid na POGO ay lisensiyado nila mismo. Ang tahasang kabiguan ng PAGCOR na i-regulate ang industriya ng POGO ay humantong sa sitwasyon kung saan ang mga POGO ay naging banta sa ating lipunan,” giit ng mambabatas.

               “Kaya naglipana ang mga POGO ngayon kasi tinatanggalan nga ng PAGCOR ng lisensiya ang ibang POGO pero ‘yung employment permit hindi naman kinakansela, hindi naman imino-monitor, walang maayos na regulasyon. Kaya tuloy ang ligaya ng mga POGO sa bansa,” pagtatapos niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

FPJ Panday Bayanihan

FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng malawak na suporta sa San Jose, Batangas

HABANG ang bansa ay naghahanda sa midterm election, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pumapaimbulog …

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …