Saturday , September 28 2024
Claudine Barretto Elaine Crisostomo

Sinag shooting nagkaroon ng aberya

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MATIWASAY ang naging two-day shooting sa Nasugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto at idinirehe ni Elaine Crisostomo under Entablado Films.

Noong Miyerkoles ay may mga kukunang shot si direk Elaine sa Roxaco, Nasugbo pero hindi natuloy dahil nilagnat ito. Hanggang noong Huwebes, 11:00 a.m. ay napatawag si direk Elaine dahil naalarma ito sa umano’y dalawang lalaking nagtungo sa shooting. 

Anang direktor, pakay ng mga naka-bonet at naka-civilian na naghahanap sa kanya sa last location sa Cumbas View Deck sa Lian, Batangas na pag-aarinngkaibigang Grace Villaviray na arestuhin umano siya.

Ayon pa sa kuwento, naka-kotse ang mga kalalakihan na kahina-hinala ang ginamit na plate number ng gamit sa naturang sasakyan.

Naaalarma hanggang ngayon ang buong produksiyon dahil hindi naman biro ang ginawang set-up ng production team sa dalawang bayan sa Batangas para sa mga gagamiting eksena sa pelikula.

Nagkaroon din ng takot si direk Elaine dahil wala siyang alam na atraso sa kanino man para hanapin at arestuhin umano siya.

Kasalukuyang naghahanap ng ibang lokasyon ang buong production team para maiwasan ang anumang problema.

Natakot ako. Of course, hindi ko alam kung anong intensiyon nila and sabi pa ipapa-arrest ako? Wala naman akong kaaway o atraso. Gulat ako. 

“Roon talaga sila nagpunta sa last location namin sa may Cumbas View Deck. Hindi ko alam ang intensiyon nila,” bulalas ni direk Elaine.

About Dominic Rea

Check Also

Samantha Panlilio

Samantha Panlilio, Beauty Queen to Changemaker—I found my passion in giving back to the community

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pinlano ni Binibining Pilipinas Grand International 2021 Samantha Panlilio na sumali …

Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga Kiskisan Vivamax

Tatlong Vivamax sexy aktres, tinuhog ni Juan Paulo Calma

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPALABAN sa matinding pagpapa-sexy at love scenes si Juan Paulo Calma sa …

Pinky Amador

Pinky pinatay na binuhay pa sa serye ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales PANSAMANTALANG nawala sa Abot Kamay Na Pangarap si Pinky Amador dahil sa isang prior commitment …

Angela Morena Butas

Angela kabado pa rin sa mga Vivamax project

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG baguhan pa lamang si Angela Morena ay kita ang pagiging mahiyain nito, …

Pete Bravo

72nd kaarawan ni Don Pete Bravo dinagsa ng mga kaibigan sa showbiz

MATABILni John Fontanilla ENGRANDE, memorable, at napakasaya ng selebrasyon ng 72nd birthday ni Don Pedro ‘Pete’ …