Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makabayan bloc:  
RENEWAL NG MERALCO FRANCHISE ‘WAG MADALIIN

061124 Hataw Frontpage

NANAWAGAN ang Makabayan bloc sa Kamara na huwag madaliin ang pag-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) na mapapaso sa 2028.

Hiling ni Rep. Arlene Brosas, miyembro ng Makabayan bloc sa  kapwa mambabatas, pag-aralang mabuti ang mga panukalang batas na inihain para sa agarang pagre-renew ang prangkisa ng Meralco, kahit ito ay hindi pa napapanahon.

Iginiit ni Brosas, imbes madaliin pagre-renew ay mas dapat bigyan ng sapat na oras para masagot nang lubusan ng Meralco ang mga tanong, isyu, at kontrobersiya na bumabalot sa operasyon ng utility.

Iginiit ni Brosas, nagdurusa ang 7.63 milyong subscribers ng Meralco sa mataas na singil at hindi stable na supply ng koryente lalo na nitong mga nakaraang araw kung kailan nagdeklara ng red at yellow alerts ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ipinaalala ni Brosas na ang mandato ng Meralco sa ilalim ng RA No. 9209, ang batas na nagbigay ng prangkisa sa utility, ay mag-supply ng koryente nang walang putol at sa pinakamababang presyo.

Klaro rin sa nasabing na nagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso na maaaring bawiin ang prangkisa kung mapapatunayan na mayroong mga paglabag.

“Sunod-sunod ang pagtaas ng singil sa koryente at malaki ang epekto nito sa mga Filipino lalo’t napakaliit lang ng sahod. Lagi na lang may excuse bakit tumataas, pero walang magawa ang gobyerno para ibaba ang singil,” ani Brosas.

Idinagdag ni Brosas, “Kaya hindi dapat madaliin ng gobyerno ang approval ng prangkisa ng Meralco at dapat aralin muna natin dahil dalawang committee hearing pa lang ang nailulunsad at hindi pa ito nabubusisi.”

“Kung sunod-sunod ang pagtaas ng singil sa koryente, malinaw na may problema sa kasalukuyang sistema ng pribatisasyon,” giit ni Brosas.

Ang House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting ay kasalukuyang  tumatalakay  sa mga panukalang batas na inihain nina Representatives Joey Sarte Salceda ng Albay at Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City na naglalayong i-renew ang prangkisa ng Meralco ng karagdagang 25 taon.

Ang Gabriela Women’s party-list group na kinabibilangan ni Brosas at iba pang aktibista ay nagdaos ng protesta sa harap ng Meralco Business Center sa Kamuning, Quezon City upang iprotesta ang mataas na singil sa koryente.

Ang pinakabagong pagtaas sa singil ng Meralco ay umabot mula P0.46 sentimo hanggang P11.41 bawat kilowatt hour.

Nagprotesta rin ang mga militante sa paparating na pagtaas ng singil sa koryente sa mga susunod na linggo sa gitna ng red at yellow alert status sa supply ng koryente na idineklara ng NGCP.

Tinukoy ng mga grupo na ang alert system ay ginagamit upang ma-justify ang pagtaas ng singil sa koryente.

Imbes madaliin ang pagre-renew ng prangkisa ng Meralco, dapat unahin ng Kongreso ang pagkilos sa mga panukalang amendment at repeal ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na naglalaman ng total ban sa cross-ownership, o mga utility na may-ari rin ng mga generating plants indirectly.

“Ang dapat pag-usapan sa Kongreso ay ang agarang pagbabasura sa EPIRA law, hindi ang prangkisa ng Meralco. At dapat ibalik sa gobyerno ang responsibilidad ng pagbibigay ng pampublikong serbisyo,” aniya.

Ang Makabayan bloc ay may mga isinulong na panukala upang amyendahan o bawiin ang EPIRA.

“Ang EPIRA ay komprehensibong nag-restructure at nag-privatize ng power generation, transmission, at distribution ng koryente sa bansa,” pahayag ng Makabayan bloc.

Anila, “Ito ay nagtatag ng isang liberalized at market-based power industry at nangako na magbibigay ng dekalidad, maaasahan, ligtas, at abot-kayang supply ng koryente para sa publiko.”

“Ngunit ang eksaktong kabaliktaran ang nangyari sa pagpapatupad ng EPIRA, na ngayon ay napatunayang isang ‘anti-people, pro-corporation’ na batas,” pagwawakas ng Makabayan bloc. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …