Monday , December 23 2024
dead

Umalingasaw tatlong araw pagkalipas  
MISIS PATAY SA SARILING ASAWA, BANGKAY ITINAGO NI MISTER

NATAGPUAN ang katawan ng isang 52-anyos na babae, na pinaniniwalaang pinatay ng kanyang sariling asawa,  sa isang abandonadang bahay sa Brgy. Villaflor, bayan ng San Isidro, lalawigan ng Isabela noong Sabado, 31 Mayo. 

Ayon kay P/Maj. Grandeur Tangonan, hepe ng San Isidro MPS, natagpuan ng mga residente ng naturang barangay ang naaagnas nang katawan ng biktima matapos umalingasaw ang amoy mula sa lumang bahay.

Naniniwala ang mga imbestigador na maaaring pinatay ang biktima sa pamamagitan ng pagpukpok ng matigas na bagay tatlong araw bago matagpuan ang kanyang katawan.

Samantala, boluntaryong sumuko ang asawa ng biktima sa pulisya matapos matagpuan ang babae.

Ayon sa suspek, nag-ugat sa hindi pagkakaintindihan sa kanilang pamilya kaya niya nagawang mapatay ang kanyang misis.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong parricide.

Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, hindi pinangalanan ng pulisya ang mag-asawa.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …