Saturday , April 26 2025
SB19 BINI Flow G SunKissed Lola Nasa Atin ang Panalo Puregold

SB19, BINI, Flow G, SunKissed Lola pangungunahan pinakamalaking OPM event ng taon: Nasa Atin ang Panalo concert ng Puregold

HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kuwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng  Nasa Ating Ang Panalo concert sa Hulyo 12, 2024, 7:00 p.m, sa Araneta Coliseum.

Ang selebrasyon ng pasasalamat, na magtatampok ng mga malalaking pangalan sa larangan ng OPM na SB19, BINI, at Flow G, at espesyal na pagtatanghal mula sa SunKissed Lola, ay ipinagdiriwang ang natatanging milestone ng Puregold sa pagkakaroon ng 500 na tindahan sa ika-25 na taon nito. Sa pamamagitan ng Nasa Atin ang Panalo, nais ipakita ng Puregold ang malaking pasasalamat sa mga masugid nitong mamimili, mga masisipag na empleado, at ang patuloy na sumusuportang partners na malaki ang nagampanang papel sa pagkamit ng sariling panalong kuwento ng kompanya.

Mula sa pinakabagong announcement ng Puregold sa mga social media pages, ang star-studded Nasa Ating ang Panalo ay nakatakdang maging isang hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at purong kasayahan. Pinagtibay ito ng Puregold Price Club Inc. President na si Vincent Co na sa simula pa lamang ay layunin nilang ipakita na ang tema ng Nasa Atin ang Panalo ay higit pa sa pagiging simpleng concert.

Gusto namin itong maging isang taos-pusong pagpupugay sa kuwentong katapangan, pagbabago, at panalo ng mga Filipino—-mga panalong kaugalian na mayroon ang ating mga concert artists na sana ay makapagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa Filipino,” ani Co. “At kami ay natutuwang ibahagi ang mga batikang musikero na hindi lamang para ipakita ang kanilang talento, at pasikatin ang lokal na musika, kundi bigyang-diin din ang mga kuwento ng SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.”

Ibinahagi rin ng Puregold kung bakit ang mga Pinoy musical artists na ito ang napili para sa event:

Naranasan ng P-Pop idols na SB19 ang isang roller-coaster journey, at ang pananatiling matibay upang mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa industriya ng musika.

Ang nabansagang “nation’s girl group” na BINI ay umaawit ng mga kantang tungkol sa nakakikilig na pag-ibig ng kabataan, kasiyahan, at empowerment. Ipinakikita rin ng grupo ang patuloy na pag-unlad nito sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa iba’t ibang paraan.

Si Flow G na kinikilala bilang isa sa mga respetadong icon ng Pinoy rap ngayon ay dumaan at nalagpasan ang maraming pagsubok at hindi bumitaw sa kanyang mga pangarap at layunin na mapalawak ang hip-hop.

Ang minamahal na banda na SunKissed Lola na nagkaisa sa kanilang pagkahilig sa paglikha ng musika, ay ginawang realidad ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng kanilang walangsawang pagmamahal sa kanilang sining.

Ipinapangako ng Nasa Atin ang Panalo concert ang isang gabing puno ng saya para sa mga A’Tins, Blooms, Dolores, at mga tagahanga ni Flow G. Asahan din ang mga sorpresang bisita sa concert na mapapaganda ng kabuuang karanasan ng mga pupunta.

Maaari ring asahan ng mga masugid na tagasuporta ng Puregold, ang mga Tita at Ninang Zones, na ang mga produkto at brands ay magbibigay ng karagdagang masasayang mga aktibidad.

Ang mga fan at followers ay maaari ring magpunta sa VIP na seksyon ng venue na makikita ang pinakamagandang view, mga group photo sa loob ng coliseum kasama ang mga kapwa fans sa pagdiriwang ng gabing ito at mga eksklusibong mga merchandise na magpapaalala sa gabing ito na magpapanatiling buhay sa mga alaala kahit matagal nang tapos ang event.

Dagdag pa rito, ang fans ay marami pang dapat abangan dahil sa patuloy na pagtutukso ng Puregold ng paglabas ng orihinal na musika kasama ang mga nangungunang musical artists na ito.

Pinaghahandaan ng Puregold ang concert sa pakikipagtutulungan kasama ang Wish 107.5, ang partnership na instrumental—-mula pa noong 2021—sa pagtuklas at pagtampok ng mga talento sa OPM. Ang partnership na ito ay sumasalamin sa isang ibinahaging pangako na itaguyod at paunlarin ang mga lokal na musikero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga plataporma na magiging daan upang sila ay mas makaabot ng malawak na mga tagapakinig.

Dahil nalalapit na ang Nasa Atin ang Panalo, hinihikayat ng Puregold ang mga mahilig sa OPM, sa musika, at maging mga customer ng Puregold na saksihan ang pagtatagpo ng talento, pag-aalab, at purong pagmamalaki sa pagka-Filipino sa musical event na ito. Ang paraan para makakuha ng ticket ay ipahahayag sa mga opisyal na mga channel ng Puregold sa lalong madaling panahon.

About hataw tabloid

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …