Monday , December 23 2024
Merlie Alunan Jerry Gracio Kristian Cordero Firie Jill Ramos Michael Carlo Villas

Makatang Merlie Alunan mangunguna sa panel ng Ibabao Writers Workshop

PANGUNGUNAHAN ng mabunyi at tanyag na makatang si Merlie Alunan, professor emeritus ng UP Tacloban ang panel ng Ibabao Writers Workshop (IWW) sa Catarman, Northern Samar.

Nasa ikalawang taon ngayon, ang Ibabao Festival ay bahagi ng paggunita sa pagkakatatag ng lalawigan ng Northern Samar, habang ang IWW ay ang bukod-tanging writing workshop sa bansa na buong-buong pinopondohan ng pamahalaang panlalawigan.

Kasama ni Alunan sa teaching panel ang makata at screenwriter na si Jerry B. Gracio, tubong Northern Samar. Bukod sa naunang dalawa, kasama rin sa mga panelists sina TOYM awardee Kristian Cordero ng Ateneo de Naga University Press, fictionist Firie Jill Ramos ng Katig Writers Network, at si Waray language and literature scholar Michael Carlo Villas ng Visayas State University.

         Ang workshop —  tumatanggap ng mga akda ng fellows sa Ninorte-Samarnon varyant ng Waray language, ganoon din ng Cebuano, Abaknon, Filipino, at English — ay naglalayong paunlarin pa ang kakayahan sa pagsusulat ng mga Nortehanons.

Ang pagpopondo sa nasabing workshop, lalarga mula 7 Hunyo hanggang 11 Hunyo, ay testamento ng dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar, na hindi lamang kondisyon at antas ng kabuhayan ng mga mamamayan sa Northern Samar ang iniaangat, bagkus dapat din payabungin ang sining at kultura ng lalawigan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …