Monday , December 23 2024
Lani Mercado Bong Revilla Jr

Kahalagahan ng kababaihan prayoridad ng mga Revilla

NARARAMDAMAN ni Cavite Representative Lani Mercado Revilla ang prayoridad ng kahalagahan at pagmamahal ng kanyang asawa na si Senador Ramon Revilla, Jr., sa mga kababaihan.

Ito ay matapos suportahan ni Senador Revilla ang 46th National Biennial Convention ng National Federation of Women’s Club of the Philippine, sa pamamagitan ng kongresista bilang kinatawan ng senador habang nagrerekober pa sa katatapos tenotomy o tendon surgical procedure.

Ayon kay Revilla pinatunayan ng kanyang asawa na pinahahalagahan nito ang karapatan ng bawat kababaihan at ang pagkapantay-pantay ng babae at lalaki.

Tinukoy ng kabiyak ng puso ng senador ang pagpapahintulot sa kanya ng senador na magkaroon ng trabaho bilang artista at pumasok sa politika para magsilbi sa kapwa at maglingkod sa bayan.

Sinabi ng kongresista, naniniwala ang kanyang asawang senador na kung kayang gawin ng lalaki ay kaya rin gawin ng kababaihan kung kaya’t hindi dapat minamaliit ang kanilang kakayahan at kaalaman.

Kaya ang mensahe ng mag-asawang Revilla sa mga kababaihan, ipagpatuloy ang women empowerment.

Kaugnay nito, tinukoy ng kongresista na ilan sa mga panukalang batas na isinusulong ng senador ay palawakin at patatagin pa ang batas ukol sa violence against women and children o pang-aabuso sa kababaihan at mga bata.

Partikular na ipinunto ni Revilla ang digital harassment na talamak sa kasalukuyang global digitalization.

Nagpapasalamat ang kongresista dahil mayroon siyang asawa na tulad ni Senador Revilla na  isang confident na lalaki at tunay na naniniwala sa kakayahan ng bawat kababaihan.

Nanawagan din ang kongresista na sana ay marami pang kalalakihan ang maging katulad ng senador na naniniwalang ang mga kababaihan ay kanilang katuwang sa lahat ng bagay.

Tiniyak ng kongresista, hindi titigilan ang kanilang pamilya na magsulong ng mga panukalang batas para sa dagdag na karapatan at proteksiyon ng mga kababaihan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …