Tuesday , April 15 2025
Sa Pasay City P4.5-M ILEGAL NA DROGA SA ABANDONADONG PARCEL NASABAT SA WAREHOUSE

Sa Pasay City
P4.5-M ILEGAL NA DROGA SA ABANDONADONG PARCEL NASABAT SA WAREHOUSE

MAHIGIT P4.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency –Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (PDEA-IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang warehouse sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay mula sa walong abandonadong parcel mula California at Canada.

Ang mga naturang parcel ay nagmula sa iba’t ibang sender sa California na naka-consign sa iba’t ibang indibidwal na nakatira sa Metro Manila, Cavite, at San Pedro, Laguna.

Pito sa walong parcel ay naglalaman ng cartridge cannabis oil na idineklarang Pokemon cards NBA cards, trading cards, at jewelry na nagkakahalaga ng aabot sa higit P20,160.

Habang ang pang-walong parcel ay idineklarang GIUFT kung saan nakalagay ang 3,232 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa P4,524,800,00 ang halaga.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sin0-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga papasok sa bansa.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …