Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddys Speed

EDDYS ng SPEEd maagang pinaghahandaan, inaayos

HATAWAN
ni Ed de Leon

BINABATI namin ang SPEEd o ang Society of Philippine Entertainment Editors dahil maaga pa ay pinaghahandaan na nila ang kanilang awards. Sila mismo ang nag-aasikaso at nagpagawa ng kanilang tropeo sa actor na si Leandro Baldemor.

Ngayon pa lang inaayos na nila ang programa at ang tv coverage ng kanilang awards na muli nilang ipadidirehe kay Eric Quizon at ipalalabas ng live sa AllTV Channel 2.

Malayo pa inaasikaso na nila lahat ng mga detalye kailangan ganyan para hindi nagkakaroon ng kahihiyan sa awards night.

Siyempre mga professional naman silang lahat, hindi sila dapat gumaya sa mga amateur na hindi alam  kung paano ang tamang handling ng isang awards night. Kung sa bagay ang EDDYS naman simula pa noong una ay by invitation ang awards night, hindi sila nagbebenta ng tickets sa mga artista at iba pang gusto nilang padaluhin sa kanilang awards.

Natural professional ang handling nila, dahil hindi lamang sila pati ang mga diyaryong kanilang pinaglilingkuran ay mapupulaan kung sila ay pumalpak. So far wala pa namang palpak ang SPEEd simula noong una pa at walang nababalitaang anumang anomalya sa kanilang awards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …