Friday , November 15 2024
Farmer bukid Agri

Magsasakang Pinoy may “Bagong Pagasa” sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Filipino nang ratipikahan ng Senado at Kongreso ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong nakaraang Miyerkoles, 22 Mayo 2024.

Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, bilang Principal sponsor ng Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, wastong ratipikahan na ang nasabing batas sa Senado at Kongreso para lagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Tiwala si Senador Cynthia Villar na matatapos na ang paghihirap ng Filipino farmers at consumers na ipinapapasan ng cartel, smuggling at iba pang katiwalian dahil malapit nang maisabatas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage Act.

Layunin ng panukalang batas na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845, o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act,” at magpataw ng matinding parusa para sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagbubuo ng mga kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan.

Mapapangalagaan ng nasabing panukala ang estado mula sa mga economic saboteurs para mapoprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasakang Filipino.

“Ito ang sinabi natin na kahit anong gawing batas, ayuda, o pondong ibigay sa magsasaka walang mangyayari kung patuloy na pagsasamantalahan ng smugglers, hoarders, cartel at profitters,” wika ni Briones.

“At sa ating bill isinasaad ang pagkakaroon ng National Council under the office of the President na kasama sa council ang pitong sector ng magsasaka, may enforcement group na NBI, PNP, at Coast Guard. May special prosecutors, at lifetime imprisonment ang parusa, 3x ang multa at nonbailable ito. Puwede rin mag-file ng kaso ang private citizen. Merong rewards sa tipster o whistleblower mula P1 milyon hanggang P20 milyon o 20% whichever is higher,” dagdag ni AGAP Rep.

Binigyan-diin ng mambabatas, hindi maaaring isama ang Bureau of Customs (BOC) dahil walang saysay ang batas na ito tulad sa Anti-Agricultural Smuggling Act, dahil may mga probisyon ito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel na ang customs ang nangunguna sa nasabing batas.

Ayon kay Briones, walang saysay ang utos ni PBBM na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products sa bansa kung nariyan pa rin sa council ng bagong batas ang BoC, at walang nasasampolan na sampahan ng kaso.

“Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa ng magsasaka at mamimili. Salamat kay President Bongbong Marcos, Speaker Martin Romualdez, Senator Cynthia Villar, Cong. Mark Enverga, at lahat ng Senators at Congressman na sumuporta sa Bill na ito,” pahayag ni Briones. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …