Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Senador Alan at Pia nagbigay ng tulong sa 2,000 Batangueño

Senador Alan at Pia nagbigay ng tulong sa 2,000 Batangueño

UMABOT sa 2,000 Batangueño ang nakatanggap ng tulong mula sa mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa loob ng dalawang araw na pamamahagi nitong 21 Mayo at 23 Mayo 2024 sa mga bayan ng San Jose, San Luis, at Bauan, Batangas City.

Sa ilalim ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Program  (AICS), isang social welfare initiative na pinangungunahan ng magkapatid na senador sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naghatid ng tulong ang programa sa iba’t ibang sektor kabilang sa mga magsasaka, estudyante, kababaihan, solo parents, persons with disabilities (PWDs), mga nangangailangan ng tulong medikal, at mga naulilang miyembro ng pamilya.

​​Nitong 23 May, ang programa ay nakatuon  sa pamamahagi ng tulong pangkabuhayan, na 851 indibiduwal mula sa 35 asosasyon ang nakinabang sa inisyatiba ng mga senador.

Naisakatuparan ang tagumpay ng AICS Program sa lungsod sa pamamagitan ng koordinasyon ng dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Batangas na si Raneo Enriquez Abu, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa mga senador para sa kanilang suporta sa kanyang mga kababayan.

Sa mga darating na araw, nakatakdang magtungo ang programa sa Pampanga, Laguna, at Davao, upang mabigyan ng agarang tulong ang mas nakararami pang Filipino, partikular ang mga lubos na nangangailangan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …