Sunday , December 22 2024
Lito Lapid agri-tourism

Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen. Lito Lapid

INAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agri-tourism sa bansa.

Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate committee on tourism.

Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong nya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo at maeengganyo pa ang mga kababayan natin na tangkilikin ang lokal na tourism destination.

Sabi ni Lapid, ang agri-tourism ay magbibigay-daan sa ating mga kabataan na mahikayat na mag-aral ng agrikultura dahil matatanda na ang populasyon ngayon ng mga magsasaka.

“Ang promosyon ng farm tourism ay magbibigay sa atin ng magandang hanapbuhay at oportunidad sa mga kabataan para bumalik sa pagsasaka at may dagdag na kita pa sa ating turismo, mga magbubukid at lokal na komunidad,” diin ni Lapid.

Ang agri-tourism ay nakasentro sa agricultural-based activities para makahikayat ng mga bakasyonista o turista na bumisita at matuto sa gawain ng mga magsasaka sa bukirin at rancho.

Kabilang sa mga aktibidad rito ay pagpitas (picking) ng mga gulay at prutas, paggawa ng local wines, pagtatanim ng palay o root crops, pag-aaral sa organic farms, paggatas sa baka, pagsakay sa kalabaw o kabayo, pamimingwit, pagpitas ng coffee beans, farm-to-table dining, at maraming iba pa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …