Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
mWell MVP Martin Nievera Regine Velasquez Ogie Alcasid

Martin, Ogie, Regine nakiisa sa unboxing ng newgen watch at precious ring ng mWell

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BONGGANG-BONGGA ang ginanap na ‘unboxing’ ceremony ng mWell, ang health app ng Metro Pacific Corporation kamakailan sa Grand Hyatt Hotel sa BGC.

Feeling bilyonaryo talaga kami lalo’t ang mga kilalang who’s who sa industriya ang mga naimbitahan ng MVP group sa pamumuno ni Mr Manny V. Pangilinan at ng kanyang super woman top executive na si Madam Chaye Cabal-Revilla.

Namataan namin ang mga celebrity gaya nina Dra. Vicky Belo kasama si Hayden KhoAlice Eduardo, mga kilalang doktor, health care people, government officials, at marami pang iba.

Nagmistula ring showbiz event ang okasyon dahil ang mga entertainer na Kapamilya namin sa Gabay Guro ng Smart-PLDT ay nag-perform sa imbitasyon nga ni Madam Chaye.

Naroon sina Martin Nievera, Jed Madela, Mark Bautista, Klarisse de Guzman, Jona, Bituin Escalante, at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sina Markki Stroemm at Iza Calzado naman ang naging program hosts.

Inilunsad din sa event ang new generation mWell watches. Bongga ang relo dahil may kakayahan itong mag-track ng workouts at ibang physical activities at overall  wellness, sa presyong very affordable.

Mayroon itong  100 exercise modes, at kapasidad na i-monitor ang heart rate at kahit ang blood oxygen levels. Saan ka pa? 

At may bonggang ‘mWell Rings’ pa. Kapag ipinareha mo ito sa mWell app, keri rin nitong i-monitor ang mga importanteng health metrics, including heart rate, heart rate variability, resting heart rate and average oxygen saturation. Malaki rin ang benepisyo ng naturang “precious RING” ‘ika nga ni Regine sa pagkakaroon ng balanse at maayos na pagtulog.

Bisitahin na ang mWell app sa inyong mga phone at internet gadgets para sa mas bonggang kalusugan at kagandahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …