Sunday , December 22 2024
CAAP RP-C6923 Cessna plane

CAAP nakatutuok, sa sumadsad na Cessna plane

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad ng isang training aircraft sa baybayin ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union.

Base sa inisyal na impormasyon, nakatanggap ng alert ang San Fernando Tower mula sa nasabing aircraft, may registered number RP-C6923 na nag-take-off sa Runway 19 ng San Fernando Airport nang biglang mag-crash sa baybayin ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union bandang 8:23 am, 21 Mayo.

Agad nagresponde ang mga rescuers mula sa Philippine Coast Guard (PCG) matapos makompirma ng San Fernando tower ang insidente.

Isinugod sa ospital ang mga biktima na sakay ng bumagsak na training aircraft na pag-aari ng Leading Edge International Training Aviation Academy, Inc. (LEIAAI) center.

Nagpadala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga  imbestigador para malaman ang pinagmulan ng nasabing insidente.

Sakay ng sumadsad na eroplano ang flight instructor at student pilot at sinabing nagkaroon ng minor injuries.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …