Friday , November 15 2024
Vote Election Prison PDLs

500 PDLs sa Bililbid nailipat na sa Davao Prison and Penal Farm

INILARAWANG matagumpay at maayos ang paglilipat ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Davao Prison and Penal Farm.

Kasunod ito ng programa ng Bureau of Corrections (BuCor) para ma-decongest ang national penitentiary sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., 250 PDLs ay mula sa Maximum Security Camp, 50 mula sa Medium Security Camp, 200 mula sa Reception, at 250 PDLs mula sa Diagnostic Center (RDC).

Ang RDC ay isang special unit sa BuCor facility na ang mga bilanggo ay sumasailalim ng diagnostic examination at observation para malaman kung saang institusyon sila puwedeng isama at ilipat.

Ani Catapang, hindi na talaga sila tatanggap ng bagong PDL sa NBP dahil sa inaasahang pagsasara nito bago ang 2028.

Ang mga PDL ay kailangang mag-stay sa RDC sa loob ng 60 araw at pagkatapos ay doon pa lamang sila ililipat sa mga operating at penal farm sa labas ng  Metro Manila. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …