Sunday , December 22 2024
DMW Department of Migrant Workers Middle East

Sinalakay ng Houthi rebels sa Red Sea  
23 TRIPULANTENG PINOY SAKAY NG BARKO LIGTAS NA — DMW

AGAD nakipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa isang barko kung saan sakay ang mga tripulanteng Filipino habang naglalayag patawid sa Red Sea and Gulf of Aden (RSGA).

Ayon sa DMW, ligtas at walang nasaktan sa 23 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang barko habang inaatake ng mga rebeldeng Houthi nitong Sabado, 18 Mayo 2024.

Dagdag ng DMW, bahagyang napinsala ang barko habang naglalayag malapit sa Yemeni port city ng Hodeida nang ito ay salakayin.

Iniulat na nagpapatuloy sa paglalayag ang barko patungo sa sa mga lugar na may mataas na peligro papunta sa susunod na daungan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …