Sunday , December 22 2024
Francis Tol Tolentino Karagdagang Shari’ah courts tagumpay ng Muslim Filipinos

Karagdagang Shari’ah courts tagumpay ng Muslim Filipinos

MAGTATATAG ng mga karagdagang Shari’a court sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa labas ng BARMM ang nilalaman at layon ng panukalang batas ng bagong  Senate Majority Floor leader na si Francis “Tol” Tolentino.

Ang Shari’a courts ay mga hukuman na nakabase sa batas ng Shariah o Batas Islam. Ito ay karaniwang makikita sa BARMM na may mga Muslim na populasyon at nag-aalok ng mga desisyon sa mga usapin tulad ng pamilya, pananalapi, at moralidad batay sa prinsipyo ng Islam.

Itinuturing na landmark ang panukalang batas para hindi lamang sa mga “special court” ang paglilitis  sa mga kasong kailangang ipatupad ang Batas Islam.

Kung kulusot sa bicameral conference committee, maituturing na tagumpay ito para sa mga ordinaryong Filipino Muslim.

Inaprobahan noong Abril ng Senado, at ilang hakbang na lang mula sa pagiging isang batas, ang Senate Bill 2594 ni Tolentino ay naglalayon na magtatag ng tatlong karagdagang Shari’a Judicial Districts pati na rin ang 12 Shari’a Circuit Courts sa mga pangunahing rehiyon ng bansa.

“Ang mga Muslim na Filipino ay isang hakbang na ngayon palapit sa pagkakaroon ng  access sa katarungan batay sa batas ng Shari’a. Nagtataguyod ito ng patas at pantay na pagtrato sa mga Muslim sa ilalim ng ating pamahalaan,” sabi ni Tolentino.

Ang panukalang batas ni Tolentino ay naglalayong baguhin ang Presidential Decree 1083 o ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines. Ang mga Shari’a court ay nasa loob lamang ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang panukalang batas ay naglalayong magtatag ng isang 6th Shari’a Judicial District na may limang Shari’a Circuit Courts.

Saklaw nito ang Bukidnon, Misamis Oriental at Occidental, Cagayan de Oro, Camiguin, at ang mga lalawigan sa ilalim ng Rehiyon 11 at 12.

Ang iminungkahing 7th Shari’a Judicial District na may tatlong Shari’a Circuit Courts ang mangangasiwa sa mga kaso mula sa Rehiyon 6, 7, at 8. Ang Cordillera Autonomous Region, Rehiyon 1 hanggang 4-A, at ang National Capital Region ay nasa ilalim ng iminungkahing ika-8 Shari’a Judicial District na nakabase sa Lungsod ng Maynila.

Ang mga lungsod ng Davao at Cebu ay magkakaroon din ng kanilang mga Shari’a Circuit Courts.

         “Ang layunin ng pagtataguyod ng inklusibo, walang kinikilingan, mabilis, at de-kalidad na hustisya sa lahat anoman ang heograpikong lokasyon ng mga tao ay malapit nang magkatotoo para sa ating mga kapatid na Muslim,” sabi ni Tolentino.

Ang mga karagdagang korte ng Shari’a ay hahawak ng mga kaso na eksklusibong nakikitungo sa mga batas ng Islam, hindi nito sasaklawin ang mga kasong kriminal. Ang Korte Suprema ay nagpahayag ng buong suporta sa panukalang batas ni Tolentino. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …