Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapitbisig sa Kapayapaan pinangunahan ni Chairman Herbert Colanggo (Unang pangyayari sa loob ng 78 taon ng NBP, mga gang …)

100813 Kapitbisig Kapayapaan

Pinangunahan ni Chairman Herbert Colanggo, Ikaapat mula sa kanan, ang KAPIT BISIG SA KAPAYAPAAN, ng mga Elders/Bosyo ng mga gang sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Ang KAPITBISIG SA KAPAYAPAAN na natatanggi sa kasaysayan ng NBP sa loob ng 78 taon ay nangyari dahil sa mahusay na Liderato ni Chairman Herbert.

SA pagsisikap na maging ma-ayos at matagumpay ang implementasyon ng Republic Act 10592, tumulong si Kuya Herbert Colanggo sa Bureau of Corrections (BUCOR) para sa mas mabilis na paglaya ng mga kwalipikadong inmates.

Pinangunahan ni Kuya Herbert ang commanders /elders ng mga gang sa loob ng maximum security compound sa pagpapa-tatag ng kapayapaan sa loob ng naturang piitan.

Sa pamamagitan ng emos-yonal at sinserong pakikipagdia-logo, nakombinse niya ang gang elders para magkaisa sa kaayusan at kapayapaan sa maximum security compound (MSC).

Kaya sa patnubay ng Sports And Recreation Office (SARO) ng NBP-BUCOR, at sa tulong ni Kuya Herbert Colanggo, ma-ta-gumpay na naisagawa ang Kapitbisig Para sa Kapayapaan sa Batang City Jail (BCJ) co-vered court.

Dahil sa ipinamalas na kahusayan sa liderato ni Kuya Herbert, chairman ng gang elders, ang  kauna-unahan at ta-nging pagkakataon sa loob ng 78 taon sa kasaysayan ng NBP ay napagkaisa ang mga gang commanders sa loob ng MSC para sa kapayapaan at katahimikan .

Bunsod nito ay tuluyang naitala sa kasaysayan ang pagsisimula ng totohanang pagbabago sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa Kapitbisig sa Kapayapaan ng  gang elders na inisya-tiba  ni Colanggo para sa mahusay na pagpapatupad ng restorative justice at pagpapalaya ng mga kwalipikadong inmates sa NBP-BUCOR   alinsu-nod sa RA 10592.

Magugunitang mula noong 60s hanggang 90s ay usong-uso ang mga gang riot sa pagitan ng magkakalabang gang members sa loob ng NBP.

Nabago lamang ang lahat mula nang dumating si Kuya Herbert na sinimulang isulong ang pagkakaisa  ng Kapitbisig sa Kapayapaan sa MSC.

“ Ang tibok ng puso ko at espirito ay sa inyo. Kaya ko ginawa ito para maging matuwid tayo, igalang natin ang mga dalaw at magiging masaya tayo,” sabi ni Kuya Herbert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …