Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

051724 Hataw Frontpage

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric Company (Meralco) — apat na taon pa bago mapawalang bisa ang prangkisa sa 2028 — kaya imbes ito ang itulak ay mas makabubuting sagutin ang mga kontrobersiyal na isyu ukol dito.

Bukod kay Sta Rosa City Rep. Daniel Fernandez, na naunang nananawagan na huwag nang palawigin ang prangkisa, sinundan ito ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang vice chairman ng House committee on legislative franchise committee na tumatalakay sa maagang renewal ng prangkisa ng Meralco.

Iginiit ni Pimentel, mas mabuting sagutin muna ng Meralco ang mga ibinabatong isyu at reklamo laban sa kanila.

Sa pagdinig ay hindi rin pinalampas ni Pimentel ang pagkuwestiyon kung sino ang nagmamay-ari ng Meralco na mula Lopez clan patungo sa grupo ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan.

Ang pagpapalit ng may-ari ng Meralco ay naganap noong 2009 ngunit nabigong ipabatid sa Kongreso kung ano ang naging proseso ng pagpapalit ng may-ari ng kompanya, gayong ang ipinagkaloob na prangkisa ng Kongreso ay nakapangalan sa Lopez company.

“Did you seek permission for Congress for change of ownership?” tanong ni Pimentel sa kinatawan ng Meralco sa pagdinig.

Aminado si Atty. Ray Espinosa, Meralco director na hindi nila hiningi ang opinyon ng Kongreso ngunit agad niyang inilinaw na wala namang pagbabago sa controlling interests na kailangan pa ng approval ng Kongreso.

Naniniwala si Pimentel na ang kabiguang ito ng Merlaco na humingi ng permiso sa Kongreso ay maituturing na ilegal.

Dahil dito, hindi naitago ni Pimentel na ikompara ang parehong sitwasyon sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI) na nabigong ipabatid sa Kongreso ang change of ownership.

“SMNI is required by the law that granted its 25-year franchise, RA 11422, to declare and seek approval from Congress any ownership change. The same mandate applies to RA 9209, the law that granted Meralco its franchise and which would expire in 2028,” ani Pimentel.

Ayon kay Espinosa, mayroong pagbabago sa kung sino ang may-ari ng Meralco ngunit tanging kinuha nila ang prangkisang ipinagkaloob ng Meralco.

Sa pagitan ng 2009 at 2012 ay bumaba sa 33.4 porsiyento ang share ng Lopez matapos nilang ibenta sa First Pacific Group of Pangilinan hanggang sa ang naging shares ay bumaba pa ng 3.95 porsiyento noong 2012.

Sa kasalukuyan, 45.46 porsiyento ay pag-aari ng First Pacific, through Beacon Electric Asset Holdings Inc., at Metro Pacific Investment Corp., mula sa Meralco shares.

Babala ni Pimentel, ang kabiguang ipabatid at paghingi ng pagsang-ayon mula sa Kongreso para sa pagpapalit ng may-ari ng Meralco ay isa nang batayan upang ibasura ang prangkisa ng Meralco.

“That issue is exactly what I raised — if Meralco did not violate the provision of their franchise that any change in ownership they should ask prior approval from Congress. This violation was one of the grounds to revoke the franchise of SMNI. In my opinion they have the same predicament as SMNI and they may be held liable for the violation of said provision,” paglilinaw ni Pimentel.

Magugunitang inamin ng SMNI na mula sa pagiging non-stock, non-profit corporation ay naging isang sole corporation ito sa ilalim ng pamumuno ni pastor Apollo Quiboloy noong 2006 na inilipat noong 2023 ang pamumuno kay Marlon Acobo, na walang alam at hindi aprobado ng Kongreso.

Ang prangkisa ng SMNI sa ilalim ng RA 11422 ay nangangailangan ng approval ng changes of ownership mula sa franchise holder.

Tulad ni Fernandez ay hindi maalis ang duda at pagtataka ni Pimentel sa pagmamadaling maagang ma-renew ang prangkisa ng Meralco.

“It’s only 2024. Four years more. Why apply for renewal of a franchise that is set to expire four years from now?” pagwawakas ni Pimentel. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …