Sunday , April 27 2025
Cecille Bravo Intele Builders and Development Corporation

Mag-asawang Cecille at Pete Bravo pinarangalan sa 2024 Netizens Choice Awards 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING tumanggap ng natatanging pagkilala sa katatapos na Netizens Choice Awards 2024 na ginanap sa Okada, Manila ang mag-asawang celebrity/businessman Pete at Cecille Bravo at ang kanilang kompanyang Intele Builders and Development Corporation.

Iginawad sa mag-asawa ang Most Empowered Business Leader & Couple Enterpreneur of the Year. Habang ang kanilang kompanya ay nakatanggap ng  Certified Netizens Choice Innovative Telecommunication Construction Services 

for earning the netizen’s trust through their Strong Online  Presence and Responsibls way of using the Internet.

Kaya naman buong pusong pasasalamat ang gustong iparating ng mag-asawa sa pamunuan ng Netizens Choice Awards 2024.

Bukod sa pagiging Philanthropist ay nakagawian na ring tumulong at sumuporta sa entertainment industry ang mag-asawang Pete at Cecille at ilan nga rito ang PMPC 15th Star Awards for Music na ang kanilang kompanya ang nag-sponsor ng trophy, bumili ng sangkaterbang tiket sa One More Chance, The Musical sa Peta, at ang Miss Saigon sa Solaire, gayundin ang katatapos na matagumpay na konsiyerto ni Ice Seguerra sa Music Museum. 

About John Fontanilla

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …