SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AMINADO si direk Catherine ‘CC’ Camarillo na hindi niya inaasahang makukuha o makakasali sa Jinseo Arigato International Film Festival (JAIFF) ang pelikula nilang Chances Are You and I na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Kira Balinger na hatid ng Pocket Media Productions, Inc. at Happy Infinite Productions, Inc at ipamamahagi ng Regal Entertainment Inc..
Sa May 25 at 26 mapapanood ang pelikula sa JAIFF at umaasa si direk Catherine na maa-appreciate at magugustuhan ang kanilang pelikula ng mga manonood sa festival.
“Sana mas marami pang tao ang maka-appreciate ng pelikulang Filipino. Kasi the reason why I joined the festival is to showcase also ang gawa natin sa abroad and ma-touch din natin ang mga Filipino na andoon na talagang hungry to watch Filipino films.
“Pwede nilang mai-share rin na makita at magkaroon sila ng koneksiyon (sa movie) gaya ng mga ginagawa natin na sino-showcase sa mga Filipino,” paliwanag ng direktor na mapapanood naman ang Chances Are You and I sa mga sinehan sa Pilipinas simula May 29, 2024.
Sa Nagoya, Japan na maraming Pinoy naka-concentrate ang pagpapalabas ng pelikula dahil ani direk Catherine, “Marami kasing Pinoy doon. First time ko sumali ng festival at hindi ko expected na makukuha kasi naka-align kami to do theater run here (Philippines). Pero noong nabigyan kami ng pagkakataon na i-showcase roon at mabigyan ng spot ang entrym siyempre po sino ang hindi magga-grab ng opportunity to showcase our movie abroad at ma-touch din ang mga Filipino na andoon na talagang hinihintay tayo.”
Hindi lang ang Chance Are You and I ang pelikulang Pinoy na mapapanood sa JAIFF kaya natanong ang direktor kung ano ang magiging bentahe nito para pasukin?
Anang direktor naniniwala siyang papasukin at tatauhin ang kanilang pelikula dahil sa pagiging unique ng istorya nito bukod sa mga fresh, magaganda ang mga bida, relatable rin ang istorya.
“First it’s uniquely Filipino. Marami ang makare-relate sa pelikula and relatable siya at nakita naman natin na bago ang mga artista. Na-curious din sila kung sino itong magagandang artista natin. Actually natutuwa kami sa mga comment sa social media na akala nila Hollywood ang film. And nang nalaman nilang Pinoy, they are all too proud na mayroon tayong ganoong iso-showcase.”
Naniniwala rin si Kira na relatable ang istorya lalo na ang kanilang karakter ni Kelvin. “I think our characters can be relatable for brain tumor patient or people with mental illnesses. I think our characters played a big part in setting public awareness. Anything something that has to do with health na for some reasons people are afraid to talk about it. So I hope because of our characters, because of our stories even though thus has not touch entirely on that I hope that it could be part of the conversation for them and for people who are going through mental illness I hope they could be inspired by our character.”
“Hindi lang naman dahil sa brain tumor para maantig ang puso nila. Makikita kasi nila rito kung paano pinapasok ‘yung desisyon, kung hahayaan mo na lang ba na tadhana ang magdesisyon sa iyo o ikaw mismo ang magdedesisyon para sa tadhana. Isa pa ang family, OFW, lahat-lahat eh. Hindi lang naman siya basta romance (story), alam naman natin na may kanya-kanyang drama sa buhay, don’t give up on eveything. Lahat ng bagay mayroong solusyon, dahilan kung bakit ipinagkaloob sa iyo ‘yun,” sabi naman ni Kelvin.
Sinabi pa ni Kelvin na magtutungo sila ni Kira sa Japan para dumalo sa JAIFF na magsisimula sa May 24.
Kasama rin sa pelikula sina Jin Ho Bae, Tart Carlos, Anne Feo, Gian Magdangal, Al Tantay.