Saturday , September 7 2024

3 doktor, nurse, pharmacist  
5 ‘ALIEN’ NA HEALTH PRACTITIONERS HULI SA IPINASARANG OSPITAL

051524 Hataw Frontpage

LIMANG medical practitioner na pawang mga dayuhan ang nadakip at isang ospital ang ipinasara ng mga awtoridad dahil sa kawalan ng lisensiya mula sa Department of Health (DOH), sa Pasay City.

Ang nasabing ospital na matatagpuan sa Hobbies of Asia Compound sa D. Macapagal Blvd., ay kumakalinga sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ayon sa report mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Kasama ng mga tauhan ng PAOCC na nag-operate sa nabanggit na lugar ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na ikinadakip ng ilang dayuhang doktor at mga nurse na wala rin lisensiya para magpraktis ng kanilang propesyon sa bansa.

Dalawa sa tatlong doktor na nahuli ay Vietnamese habang ang isa ay Chinese national.

Huli rin ang isang Vietnamese nurse at isang Chinese pharmacist.

Nag-ugat ang nasabing raid sa isang mission order laban sa isang Trinh Dinh Sang, na dalawang linggong isinailalim sa surveillance batay sa alegasyong ‘medical practice without the proper license.’ (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …