Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr

Sen. Bong Revilla kompiyansa  sa matatag na alyansa ng PFP-LAKAS

IPINAHAYAG ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., tagapangulo ng Lakas-CMD, ang kompiyansa sa katatatagan ng pinagsanib na puwersang politikal ng  Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ng Lakas-CMD.

Pinagtibay nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ang alyansa sa pagitan ng partido politikal nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas.

Ang Lakas-CMD, dominanteng partidong politikal sa bansa, ay nagpahayag ng pakikiisa sa PFP sa isang pulong na ginanap sa Makati City.

Tinawag na “Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas”, ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Bongbong Marcos for making this possible. Ang alyansang ito ay isang patunay ng kanyang pagsisikap sa pagbigkis sa sambayanang Filipino sa iba’t ibang paniniwala upang magkaisa tungo sa pagkakamit ng progreso at pag-unlad,” dagdag ng beteranong mambabatas.

Inihayag ni Revilla, sa alyansa ng Lakas at PFP  ay  matitiyak ang tagumpay na mahalal sa midterm elections sa susunod na taon ang mga sumusuporta sa administrasyon at mga programa nito .

“Ito ay isang mahusay na hakbang patungo sa 2025 midterm elections. Ang layunin ay manalo ang mga aspirants from the national level down to the local level na susuporta at tutulong sa pagpapatuloy ng mga magagandang plano at programa ng ating presidente,” ayon sa mambabatas. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …