Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga inilalalabas na balita raw ng isang blogger na walang pangalan. Kung ano-ano na ang nasabi niya laban kay Alden kaugnay ng umano ay panliligaw niyon kay Kathryn Bernardo.

Huwag ganyan. Hindi naman ganyan ang anak ko kung magpapatuloy kayo sa ganyan pupunta ako sa NBI ipapa-trace kita para malaman kung sino ka talaga at maaari ka naming sampahan ng kaso,” anang ama ni Alden.

Kung minsan sumosobra naman talaga iyang mga blogger. Kagaya nga niyong isang araw may nakita kaming isang vlog sa Youtube na bagama’t ang sinasabi ay tungkol sa panlalamang ng isang photographer sa mga model. Marami rin siyang sinabi tungkol sa mga modelo na talagang libelous. Inakusahan niya ang isang modelong noong araw pa raw ay kabit na ng mga bakla. Dinugtungan pa niyang kaya hiniwalayan iyon ng syota ay dahil natuklasan ang lahat ang relasyon niyon sa mga mayayamang bakla.

Inakusahan din niya ang isang actor na sa totoo raw ay bakla rin at marami na ring nabiktimang kapwa niya bakla na hindi natunugang isa siya sa kanila. Mahusay ang reputasyon ng artista pero siniraan niya ng ganoon nang diretsahan. Kasi nangyayari iyan dahil iyang mga blogger namang iyan ay hindi alam ang kanilang limitasyon. Akala nila kahit na ano ang gusto nilang sabihin ay masasabi nila sa kanilang blog. Hindi iyan mga lehitimong peryodista na alam ang limitasyon ng maaari nilang sabihin. Kaya nga kung minsan maski na hindi totoo kahit fake news tira lang sila nang tira dahil ang katuwiran nila blog naman nila iyon at kung ang mga peryodista ay maraming sinusunod na limitasyon, sila wala dahil blog naman nila iyon. Ang hindi nila iniisip ay ang responsibilidad nila ng mga bagay na kanilang hindi dapat sabihin ay inilabas nila sa publiko. Nagkakaroon na sila ng pananagutan dahil doon.

Iyon lang magkuwento ka ng kasiraan ng kapitbahay mo maaari ka nang mademanda eh, iyon pang inilabas mo sa social media na mas marami ang makakikita? Isang bagay kasi ang wala sa social media iyong “decency.” Kahit na ano inilalalabas nila, kahit na ano sinasabi. Kung nagkakademandahan na at saka akala mo mga maamong tupa na hindi makagagawa ng mali. At saka maling katuwiran din iyong ‘noong araw kinampihan ko naman siya, ipinagtanggol ko siya.’ Tama iyon eh maaaring nabigyan ninyo ng pabor ang artista noong araw pero hindi iyon ang pinag-uusapan kundi ang paninira ninyo ngayon. Natural idedemanda kayo dahil sa inyong paninira, ano kinalaman doon ng mabuti ninyong ginawa? Dahil ba may utang na loob sa inyo puwede na ninyong siraan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …