Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Club bar Prosti GRO

GRO ‘pinapak’ ng 2 kaibigan  sa KTV bar

IPINADAKIP ng 26-anyos guest relation officer (GRO) ang kaniyang ‘dalawang kaibigan’ matapos siyang pagsamantalahan sa gitna ng kalasingan sa isang silid ng KTV bar sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Dodong, at  ang isa pa ay alyas Jay–R, kapwa 31 anyos, parehong tricycle driver, nakatira sa Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), Cubao Police Station 7, bandang 5:30 am nitong Martes, 23 Abril, nang mangyari ang insidente sa loob ng Paro Paro G KTV Bar, matatagpuan sa No. 18 Liberty Ave., Brgy. Socorro Cubao.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Madilyn Habawel ng Women and Children’s Protection Desk, bandang 2:44 am ay nakipag-inuman ang biktima na, kinilala sa alyas na Elena, 26, single mother, at isang guest relation officer (GRO), sa mga kaibigan, kabilang ang mga suspek sa nasabing KTV bar.

Nang malasing ay nagpaalam ang biktima na matutulog muna pero nang magising  ay wala nang saplot ang kalahati niyang katawan at nakita niya si Dodong na hinihipo at nilalaro ang sarili at binibigkas ang “Sam, si Dodong ‘to.”

Napabalikwas ang biktima at sinampal ang suspek saka sinabing “Dong ayoko umalis ka na! ‘Wag po.”

Pero iginiit ng suspek ang kanyang sarili at maging ang daliri ay ipinasok sa kaselanan ng biktima na noon ay hindi nakagulapay dahil sa kalasingan.

Nang mairaos ni Dodong ang matindi niyang pagnanasa ay saka nito iniwan ang biktima na nawalan na ng malay dahil sa kalasingan.

Bandang 8:00 am ng kaparehong petsa, nagising ang biktima at  nakitang hinahaplos-haplos naman ng isa pang suspek na si Jay-R ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Nanlaban ang biktima at binalaan si Jay-R na  isusumbong sa pulisya dahilan upang tumigil ang suspek at lumabas ng KTV room.

Agad nagsumbong ang  biktima sa pulisya at inaresto ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …