Monday , December 23 2024
Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita tayo mahigit sa P150 bilyon.

Ito ang tahasang sinabi ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagsasabi na ito ay para lamang ngayong buwan ng Abril.

Batay sa datos ng DOT, 94.21 porsiyento  ng kabuuang 2,010, 522 international visitor arrivals ay na pawang foreign tourists habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan.

Kasunod nito, inianunsiyo din ng ahensiya na pumalo na sa P157.62 bilyon ang revenue ng bansa mula sa turismo sa unang tatlong buwan ng taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco,  nakatutuwa na ang kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay nagbubunga ng magagandang numero para sa industriya ng turismo.

Maganda rin aniya ang nakikita niyang trajectory ng tourist arrival ngayong taon at umaasa ang kalihim sa mas maraming investment para sa turismo ay mas tataas pa ang nabanggit na mga numero.

Magugunitang target ng bansa ngayon ang 7.7 milyong bisita na halos katumbas ng pre pandemic record breaking arrivals noong 2019 na 8.26 million inbound arrivals. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …