Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
C5 Quirino flyover Villar
PARA maibsan ang bigat ng trapiko ng mga sasakyan mula Parañaque City patungong Las Piñas gumastos ng P300.39 milyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ng dating kalihim nito na si Mark Villar para sa flyover na may lapad na 9.82 linear meters at may kabuuang haba na 680 linear meters. Natapos ang proyekto sa panahon na senador na ang dating kalihim at kahapon ay magkasama nilang binaybay ng kanyang inang si Senator Cynthia Villar kasunod ng seremonya ng pagbubukas ng C-5 Quirino flyover at C5 Extension sa Las Piñas City. (EJD)

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) may lapad ang bagong tulay na 9.82 linear meters, may kabuuang haba na 680 linear meters.

Sinabi ni Senador Cynthia Villar ang pagbubukas ng flyover ay makapagpapabilis ng biyahe para sa mga motorista na patungo sa Sucat, Parañaque, Coastal Road at Las Piñas at maiibsan ang grabeng trapiko sa lugar.

Nagpapasalamat si Villar sa pasensiyang ipinagkaloob ng mga motorista habang ginagawa ang naturang proyekto.

Tumagal nang mahigit tatlong taon ang konstruksiyon ng nasabing tulay na umabot  sa P300.39 milyon ang ginastos ng gobyerno para maitayo ang dalawang linyang daanan.

Maging si Senador Mark Villar ay lubhang nagpapasalamat dahil natapos na proyektong sinumulan noong kalihim pa siya ng DPWH

Tulad ng ng kanyang ina na si Senadora Cynthia, umaasa ang nakababatang Villar na maiibsan ng nmasabing tulay ang traffic sa lungsod.

Tiniyak ng mag-inang Villar na hindi ang nasabing flyover ang huling proyekto sa Las Piñas dahil marami pa ang mga  nakalinyang kalsada, tulay at establisyementong gagawin sa nasabing syudad.

Kasunod nito ay nagpapasalamat ang pamilya Villar lalo ang senador sa DPWH, dati niyang mga kasamahan, sa patuloy na suporta kahit wala na siya sa nasabing ahensiya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …