Friday , November 22 2024

Landslide, baha tumama sa Negros Oriental

PINAIGTING pa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Oriental ang ginagawang search-and-rescue ope-rations sa mga residente na sinalanta ng matinding pagbaha, dulot nang mahigit 12-oras na buhos ng ulan.

Inihayag ni provincial police officer-in-charge, Supt. Alet Virtucio, 13 barangay sa Bayawan City ang lubog sa hanggang beywang na tubig-baha.

Umapaw na rin aniya ang tubig mula sa dalawang malalaking ilog sa lugar dahilan para tumaas pa ang baha.

Iniulat din ng opisyal na may nangyaring landslides sa mga barangay ng Villareal at Pagatban, bagama’t wala naman aniyang naitalang casualties.

Ilang residente rin ang lumikas sa basketball court ng city hall.

Sa hiwalay na ulat ng Department of Public Works and Highways, isang hiwalay na landslide incident din ang naitala sa bayan ng Sta. Catalina dahilan para hindi madaanan ang national highway.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Suba, Banga, Villareal, Pagatban at Maninihon.

Nagtalaga na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng karagdagang rescue at engineering team para tumulong sa mga stranded na mga residente. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *