Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson Pia Wurtzbach Catriona Gray

Gov Chavit sa pagli-link sa kanya kina Pia at Catriona—Puro marites lang ‘yan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAON-TAON pa lang iniimbitahan si dating Gov Chavit Singson para mag-sponsor ng Miss Universe. Hindi lang nagagawa ng dating gobernador ng Ilocos Sur dahil marami siyang pinagkakaabalahan.

Nag-sponsor na si Gov Chavit sa 65th Miss Universe na ginanap noong January 30, 2017, sa SM MOA Arena, Pasay City.

At dahil sa pag-iisponsor inilink ang dating gobernador kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray matapos silang koronahang Miss Universe.

Naitanong ito sa negosyante at dating gobernador nang makausap ng mga opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Sabado, April 20 para sa pa-dinner sa grupo sa kanyang bahay sa Corinthian Gardens, Quezon City.

Puro marites (tsismis) lang ‘yan,” nangingiting sabi ni Chavit ukol sa pag-uugnay sa kanya kina Pia at Catriona. “Mga kaibigan ko lang sila lahat.”

Pati si Pops Fernandez ay hindi nakalusot na hindi maitanong kay Gov Chavit. “Matagal ko na siyang kaibigan. Nakakahiya naman sa kanila.

“Mayroon akong napupusuan sa Korea,” sabi pa nito subalit tumanggi nang sabihin kung sino iyon.

Ukol naman sa franchise ng Miss Universe, “Iniimbita nga ako every year, eh, pero hindi lang ako makapunta dahil busy ako.

Hindi na nga kailangan (bilhin) dahil ibinibigay naman sa akin, eh. ‘Basta ikaw,’ sabi sa akin. Hindi na kagaya noong araw na may downpayment, may guarantee. ‘Basta ikaw ang hahawak, bigyan ka pa namin ng discount,’ sabi sa akin.

“Hindi kagaya noon na nag-a-advance ako ng $12 million,” aniya pa.

Sinabi ko naman, ‘yun kasing company ko, ibinibigay ko sa kanila kung may project. Ang sabi sa akin, maganda para sa ating country, but maaaring malugi ka or kumita.

“Pero kung $1-M – $2-M lang ang nalulugi, okay lang sa akin para lang dumami ang turista natin.

“Pero ang ginastos ko, hindi lang $12-M. Bumili pa ako ng eroplano, yate, sasakyan. So umabot ng $20-M (P1.2-B),” esplika ni Manong Chavit.

“Pero para lang sa ating bansa. Dahil mababawi rin natin iyan kapag maraming turista. Kagaya ‘yung ginawa ng Singapore. Binayaran nila si Taylor Swift, $3-M a day. Lahat ng kita, kay Taylor Swift.

“Binayaran lang para huwag magpalabas sa ibang country (sa Southeast Asia), para roon lahat pupunta. Ganoon! Dapat gobyerno ang gagawa” sabi pa ng dating gobernador.

Ukol naman sa mga pagsali ng mga kandidata sa Miss U na may asawa at anak na, at mga senior citizen, sinabi ni Chavit na,“‘Yun nga, maraming…kagaya noong ginawa ko rito, may nag-o-object, mga women’s group.

“Miss ang nakalagay sa Miss Universe beauty contest. Tapis hahaluan ng iba,” esplika nito at sinabing hindi siya against sa mga transgender at married women. Subalit dapat magkaroon ang mga ito ng separate pageants.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …