Monday , December 23 2024
Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”

               Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., Chairman ng Senate Committee on Public Works, makaraang biglang magkaroon ng isang malaking butas sa gitna ng Sales Road sa Pasay City noong Linggo, 14 Abril.

Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang naturang ‘sinkhole’ ay sanhi ng tagas mula sa water pipeline ng Maynilad Water Services, Inc.

Ang bukana ng sinkhole ay may sukat na 2 meters by 3 meters ngunit ang loob ng butas ay higit na mas malawak kompara sa bukana na may lalim na 8 hanggang 10 talampakan.

“Dapat mapanagot ang Maynilad at ang mga contractors nila rito! This poses great danger lalo sa mga motorista, at kung di agad nakita at napabayaan, baka pati sa mga residential properties at buildings sa area. Kung makikita ninyo ‘yung mga butas, malapit na sa pundasyon ng NAIAX elevated highway. Nakakatakot ang posibleng epekto nito kung sakali,” paliwanag pa ni Revilla.

Binigyang-diin ni Revilla na dapat talagang managot ang nabanggit na water concessionaire upang higit silang maging reponsable sa magiging epekto ng kanilang ibinibigay na sebisyo.

“Hindi puwedeng hayaan lang na ire-repair tapos wala na. Hindi ‘yon accountability. Dapat may managot para magsilbing daan para mas maging proactive ang mga service providers sa mga projects nila, hindi lang basta reactive kapag may problema na. Ilang beses na tayo nakatatanggap ng report na may pumutok na pipe sa ganito, minsan nagdudulot pa ng baha at nakaaabala. Dapat bago pa lang magkaroon ng leak, na-check na. Tuloy-tuloy dapat ang inspection at maintenance,” ayon kay Revilla.

Samantala, tiniyak ng DPWH nitong Lunes ng umaga, 15 Abril, handa silang ayusin ang ‘sinkhole’ na lumalabas na epekto ng hindi maayos na pagretoke sa naturang proyekto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …