Friday , April 25 2025
Apollo Quiboloy Risa Hontiveros

Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy kung kaya’t nagbabala na dapat maaresto ng awtoridad sa lalong madaling panahon.

Ipinagtataka ni Hontiveros, sa kabila na dalawang warrant of arrest ang inilabas laban kay Quiboloy ay patuloy na nakalalaya at maituturing na pugante sa batas.

“Pugante si Quiboloy kaya’t huwag nang mag-alinlangan ang PNP na bawiin ang mga armas niya,” ani Hontiveros.

Iginiit ni batid sa social media na mayroong private army ang pastor ngunit nagtataka siya na tila nagbubulag-bulagan ang pulisya.

“The PNP should do better, I urge the new PNP Chief P/Gen. Rommel Marbil to step up,” dagdag ni Hontiveros.

Naniniwala si Hontiveros, patunay ito na mayroon tayong failure sa  intelligence kung mabibigong matukoy at mahanap ang kinaroroonan ni Quiboloy.

Binigyang-linaw ni Hontiveros, banta rin sa kapayapaan at katahimikan si Quiboloy kung hindi pa rin nahuhuli hanggang ngayon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …