Saturday , November 23 2024
PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, sa pamumuno ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director, sa dalawang araw na idineklarang transport strike ng PISTON at Manibela, Lunes at Martes, 15-16 Abril 2024.

Inutusan ni P/BGen. Lucas ang lahat ng police provincial directors sa PRO CALABARZON na mahigpit na pamunuan ang pagbabantay sa transport strike sa loob ng kani-kanilang lugar ng responsibilidad, sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga contingency plan sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiyang nagpapatupad ng batas upang tumulong sa mga manlalakbay na maaaring maapektohan ng welga.

Bukod dito, ang PRO 4A ay nag-organisa ng isang Reactionary Standby Support Force (RSSF) na nakahanda at naghanda para sa agarang pag-deploy kapag may mga order. Habang ang red teaming ay itatalaga upang siyasatin at bisitahin ang lahat ng mga lugar ng convergence, at ang mga civil disturbance management unit ay activated upang tugunan ang mga potensiyal na pagkagambala.

Ang mga mamamayan ng rehiyong ito ay hinihikayat na manatili sa bahay kung walang mahalagang bagay na kailangang punatahan sa labas.

 Samantala, gagamitin ang mga bus at truck ng PNP at LGU para sa “Libreng Sakay Program” na nag-aalok ng libreng serbisyo sa transportasyon sa panahon ng welga.

Pinayohan ni Director Lucas ang publiko na asahan ang mga potensiyal na pagkaantala sa paglalakbay dahil sa mga checkpoint ng PNP, na nakipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Highway Patrol Group (HPG).

Bukod rito, asahan ang pagtaas ng presensiya ng pulisya sa mga kalsada, terminal, at mga lugar ng pagtitipon upang matiyak ang maayos na paggalaw ng mga produkto at serbisyo at itaguyod ang kaligtasan at seguridad para sa lahat ng gumagamit ng kalsada at ng publiko.

Higit rito, binigyang-diin ni RD Lucas ang mahigpit na paalala sa lahat ng mga tauhan na namamahala sa mga checkpoint at mga operasyon ng pulisya na ipatupad ang maximum tolerance at paggalang sa karapatang pantao.

“Sa ating mga pulis, maging mahinahon at mapagpasensiya tayong lahat sa pagganap natin sa ating mga tungkulin. Huwag natin pairalin ang init ng ulo lalo na ngayong mainit ang panahon. Ganoon din, panawagan ko na mahigpit nating i-observe ang ‘No Use of Cellphone while on Duty’ alinsunod sa direktiba ng ating Punong PNP na si P/Gen. Rommel Francisco Marbil, maliban kung may emergency. Sino mang mahuli na lumabag rito ay mapapatawan ng karampatang parusa,” aniya.

Samantala, tiniyak ni Gen. Lucas sa publiko na ang pangunahing prayoridad ng pulisya sa panahon ng transport strike ay kaligtasan at seguridad. “Hinihikayat namin ang lahat na makipagtulungan sa aming mga awtoridad at suportahan kami sa pagpapanatili sa aming rehiyon ng isang mas ligtas na lugar upang manirahan, magtrabaho, at magnegosyo tungo sa pagkamit ng “Bagong Pilipinas” na ang gusto ng mga pulis, ligtas ka.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …