Monday , May 5 2025
deped Digital education online learning

Digital transformation ng sektor ng edukasyon muling isinulong sa Senado

SA GITNA ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng matinding init, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa digital transformation ng sektor ng edukasyon, bagay na aniya’y makatutulong din sa kahandaan ng mga guro na magpatupad ng remote learning.

“Kailangang paghandaan natin ang posibleng mas mainit pang panahon sa mga susunod na taon lalo na’t patuloy ang climate change at global warming,” ani Gatchalian sa inihain niya ngayong 19th Congress na Digital Transformation of Basic Education Act (Senate Bill No. 383).

Bukod sa pagpapabilis ng installation at activation ng libreng public Wi-Fi sa lahat ng mga pampublikong paaralan, imamandato ng naturang panukala sa Department of Education (DepEd) na paigtingin ang kahandaan ng mga paaralan sa information and communications technology (ICT) upang magpatupad ng distance learning.

“Hindi lang sa gitna ng matinding init natin kailangang mapahusay ang digitalisasyon, kailangan tiyakin nating magpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa mga panahong humaharap tayo sa mga sakuna o emergency situation sa bansa,” dagdag na pahayag ni Gatchalian.

Nakasaad sa naturang panukala na imamandato sa Department of Science and Technology (DOST) ang pagtulong sa DepEd at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagsulong sa agham, teknolohiya, at inobasyon. Gayondin para paigtingin ang pag-aaral at pagtuturo at ihanda ang sektor ng edukasyon sa Fourth Industrial Revolution.

Ipinag-utos ng DepEd kamakailan ang pagpapatupad ng asynchronous classes sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa 15-16 Abril. Muli, binigyang diin ng DepEd ang mga pamantayan sa DepEd Order No. 037 series of 2022, nakasaad na sa kaso ng matinding init at iba pang mga kalamidad, maaaring magsuspinde ang mga punong-guro ng klase at ipag-utos ang pagpapatupad ng remote learning.

Ang iba pang mga panukala ni Gatchalian upang isulong ang digitalization sa sektor ng edukasyon ay ang Philippine Online Library Act (Senate Bill No. 477), Public School Database Act (Senate Bill No. 478), at ang One Learner, One Laptop Act (Senate Bill No. 474). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …