Friday , May 17 2024
Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABIL
ni John Fontanilla

TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang nagpe-perform sa Kalutan Festival sa Bayambang, Pangasinan kamakailan.

Kitang-kita sa kumalat na video sa social media na kinarate sa baba si Taylor Sheesh habang nagpe perform ng isang lasing na lalaki na nanonood sa VIP section ng venue. 

Maging ang mga tao na nanonood ay nagulat sa ginawa ng lalaki na kaagad namang nahuli ng mga awtoridad at sinampahan ng kaukulang reklamo dahil na rin sa ginawa nito.

Post ni Taylor sa X/ Twitter“This is traumatic. Literally. I’m shaking rn.” 

At kahit nga ang Bayambang Mayora na si former actress Niña Jose-Quiambao ay ‘di sang-ayon sa sinapit ng impersonator.  

Wika nito, “I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town.

“I will make sure that JUSTICE will be dealt with.

“I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance! Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly. 

“BYB is a peaceful and safe town and I cannot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!”

About John Fontanilla

Check Also

Kanta ni  Denin Sy

Kanta ni  Denin Sy naka-36k agad in a month sa Spotify

MATABILni John Fontanilla AFTER a month ay tumabo na sa 36k ang stream ng newest …

Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin at Kira pumalag iginiit hindi naging sila

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang kumalat noong isyu na …

Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia

Beaver ‘di pa makapili kina Mutya at Maxine

I-FLEXni Jun Nardo PINAKAMALAKING event pala sa Pacific Mall sa Nueva Ecija ang naganap an …

Award-winning aktor batid na may kapatid sa labas

I-FLEXni Jun Nardo MAY stepbrother pala sa ama ang isang sikat at award-winning aktor na pamisan-minsan ay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Male starlet may mga picture, video na hubo’t hubad na nasa pag-iingat ng baklang syota

HATAWANni Ed de Leon TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may …