Monday , December 23 2024
police siren wangwang

Wangwang etc, tuluyang ipagbawal
SAKRIPISYO NG COMMUTERS DAPAT MARANASAN NG GOV’T OFFICIALS

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na dapat maranasan ng mga opisyal ng pamahalaan ang karanasan sa araw-araw na pagbiyahe ng mga mamamayan.

Ang reaksiyon ni Poe ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr., na hindi na pinahihintulutan ang paggamit ng wangwang, sirena, at mga blinker sa kalsda ng mga bumibiyaheng opisyal ng pamahalaan.

Dahil dito, hindi naitago ni Poe na purihin ang Pangulo sa kaniyang naging desisyon at hakbangin. 

Iginiit ni Poe, marapat na maging magandang halimbawa ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga mamamayan.

Dagdag ni Poe, walang puwang ang sinomang opisyal ng pamahalaan na mang-abuso sa kanilang posisyon at magpakita ng self-entitlement sa kalye.

               “Pantay-pantay tayo dapat kahit sa kalsada. Ang biyahe ng government officials ay kasing importante rin ng biyahe ng ordinaryong mamamayan,” ani Poe.

Tanong ni Poe, kung may wangwang, paano mararamdaman ng taga-gobyerno ang sakripisyo ng ating mga kababayan sa araw-araw na trapiko?

Kaya, aniya, marapat ang iisanag patakaran na ipagbawal ang wangwang at ipatupad ito nang tama at pantay-pantay sa lahat ng gumagamit ng kalsada.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …