Monday , December 23 2024
Plane Cloud Seeding

Mungkahi ni Tolentino
US NAVY PLANE GAMITIN PARA SA CLOUD SEEDING

IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino na samantalahin ang ipinatutupad na kasunduan sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos gaya ng paggamit sa US Navy plane para sa cloud seeding upang umulan sa maiinit na bahagi ng bansa ngayong panahong ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay Tolentino, magandang matulungan tayo ng US Navy plane sa pagsasagawa ng cloud seeding sa mga lugar na matinding hinahagupit ng El Niño.

Tinukoy ni Tolentino, nang magtungo siya sa Kawayan, Isabela at sa lalawigan ng Batanes na umabot sa 45 degrees ang tindi ng init kaya lubhang kawawa talaga ang mga magsasaka.

Ipinaliwanag ni Tolemtino, pasok sa humanitarian reason kung gagamitin ang US Navy plane para sa cloud seeding dahil maituturing din na kalamidad ang El Niño.

Aminado si Tolentino na walang sariling eroplano ang Department of Agriculture (DA) para sa cloud seeding kaya umuupa pa ng eroplano para isagawa ito upang mapaulan ang ilang lugar na tinatamaan ng matinding tag init.

Iginiit ni Tolentino, pagkakataon na magamit natin ang US Navy plane para dito dahil malakas ang kapabilidad na ginagawa nito sa kanilang lugar sa California USA. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …