Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire sunog bombero

Bahay/pabrika nasunog, 4 menor de edad, 2 pa sugatan 

ANIM katao ang sugatan, kabilang ang apat na menor de edad makaraang matupok ng apoy ang isang bahay na ginawang pabrika  sa Quezon City nitong Lunes.

Sa report ng field office ng National Capital Region ng Bureau of Fire Protection (NCR-BFP), sumiklab ang sunog dakong 4:53 am sa dalawang palapag na bahay sa Barangay Gulod.

Ang apat na mga menor de edad ay sugatan at may mga paso sa mga paa nang tumakas mula sa ikalawang palapag ng nasusunog na bahay.

“Karamihan sa mga sugat nila ay sa paa,” ayon ka Barangay Public Safety Officer Welda Dacio sa isang panayam.

Umabot sa unang alarma ang apoy at naapula bandang 5:29 am, ayon sa ulat ng BFP.

Sa imbestigasyon, nagmula ang apoy sa unang palapag ng bahay na ginawang pabrika ng mga patches ng damit ng may-ari.

Inaalam ang sanhi at pinsala sa nangyaring sunog. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …