Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rita naiyak performance sa It’s Showtime

ISA si Rita Daniela sa mga nag-perform sa contract signing ng GMA at It’s Showtime na umere  sa GMA nitong Sabado, April 6.

Hiningan namin ng opinyon si Rita tungkol sa bagong collaboration na ito ng Kapuso at Kapamilya.

Ay napakasarap sa puso! Kasi sabi nga ni Meme [Vice Ganda], it’s a very iconic historic and mothering event of the year. And sa dami ng puwedeng mag-perform that day ay isa ako sa napabilang at naalala nila and ang sarap sa puso na binibigyan din ako ng importansiya ng network ko.

“At ang sarap sa feeling na nakakasama ko ‘yung mga baguhan din na pasimula rin, na ang sarap na ako ‘yung isa sa itinuturing nila na puwedeng parang ate.

“Na dati ako ‘yung ganoon, na marami akong ate sa paligid ko, kuya, ate, tapos ako na ‘yung itinuturing nilang ate. Kasama ko ‘yung mga ‘TNT’ Champion, na-meet ko, tapos kasama rin’yung mga ‘The Clash’ champions natin which is siyempre nakakasama ko na sila sa ‘All-Out Sundays.’

“Nakakataas-balahibo at nakaiiyak marinig in person ‘yung speeches ng lahat, nakaiiyak siya.”

Dahil sa naganap na performance ni Rita sa contract-signing, may chance na rin ba na maging guest siya sa It’s Showtime?

Lahad ni Rita, “I think so, yes! Kasi nasabi rin sa akin ni Meme na parang she’s also looking forward for me to perform there.

“Support, support ko ‘yung aking soon-to-be business partner,” ang sagot naman ni Rita kung bakit dumalo siya The Wide Style Project Launch sa SM North EDSA  Annex (Event Center) na kompanya na ang ilang owners ay sina Ken Chan at Glaiza de Castro.

Sososyo na kasi si Rita sa chain of restaurants ni Ken, ang Deer Claus Steakhouse & Restaurant.

Aniya, “Support ako today kasi I think unti-unti rin naming ilo-launch ‘yung Deer Claus today so I’m here to support everyone.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …