Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tensiyon sumiklab sa QC
2 PARAK, 4 KASABWAT ARESTADO

040324 Hataw Frontpage

ni  ALMAR DANGUILAN

DINAKIP ang dalawang pulis at apat pang mga kasamahang lalaki matapos maghasik ng tensiyon sa mga residente ng Brgy. Pag-ibig sa Nayon, Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Patrolman Edmir Burton Paliota, 30 anyos, nakatalaga sa Lingayen, Pangasinan Provincial Police Office (PPO); Dylan Lola Verdan, 44, dating pulis; Errol James Villa, 29, helper;  Raymond Palabay Apostol, 38, driver; Mark Alfaro Pueyo, 45, at Romie Bulandos Soliman, 28 anyos.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit – Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:20 am nitong Lunes, 1 Abril, namataan ang mga suspek sa Ligaya St., kanto ng A. Bonifacio, Brgy. Pag-ibig sa Nayon, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Angel Pascasio III, nakatanggap sila ng tawag mula sa  mga residente hinggil sa mga kahina-hinalang motor at sasakyang gumagala sa kanilang barangay.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis at naabutan ang mga suspek na sakay ng Toyota Vios at Yamaha Mio-I kaya agad nilang nilapitan.

Sa inspeksiyon, nakita ng mga awtoridad ang 9mm baril mula kay Apostol na sakay ng motorsiklo at sinubukan pang tumakas habang ang pumagitna ang mga nakasakay sa Toyota Vios at tinangkang itulak ang mga pulis na sina P/MSgt. Erwin Garcia, P/SSgt. Don Don Sultan, P/Cpl. Joselito Quizzagan, P/Cpl. Agapito Gatulla, P/Cpl. Jan Kenneth Sacay, at Pat. Virgilio Monterey, pawang nakatalaga sa La Loma Police Station 1.

Gayonman, matapos ang komosyon ay nadakma pa rin ang mga nasabing suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang 9mm caliber pistol na walang serial number;  magazine na may laman na walong bala,  Toyota Vios, may plakang NGT 7223,  at Yamaha Mio-i125 na walang plaka; at LTO Vehicle Plate number NDS 4578.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591  (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Obstruction of Justice laban sa kanila.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid kung ano ang ginagawa at pakay ng mga nasabing suspek sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …