Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD chief, 5 pa pinarangalan sa integridad at katapatan

QCPD chief, 5 pa pinarangalan sa integridad at katapatan

PINARANGALAN at kinilala si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico Maranan at limang tauhan ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) sa kanilang dedikasyon, katapatan sa trabaho at pagbibigay serbisyo sa bayan.

Ang parangal ay isinagawa sa session sa Plenary Hall ng  Kongreso nitong Lunes, 19 Marso 2024.

Ang lima pang pinarangalan ay sina P/LtCol. Von Alejandrino, P/EMSgt. Rodolfo Calma, Jr., P/CMSgt. Jesus Chito Manaois, P/MSgt. Ladislao Constantino, at P/MSgt. Marcial Marquez pawang mga tauhan ng  DTMU.

Matatandaan na nagpapatrolya ang mga tauhan ng  DTMU nang makita sa EDSA/ Balintawak ang isang  asul na pastic bag, may lamang P30,000 at identification card ng isang Edgar Osila.

Agad na inalam ng mga pulis at hinanap ang may-ari ng pera at ID. Natunton sa Balintawak Market ang may-ari ng ID at sinabing ang amo niyang si Rhea Bernardo na isang negosyante ang nagmamay-ari ng  nawawalang P30,000 kung saan ibinalik ang  nasabing halaga.

Tiniyak ni Maranan na hangga’t siya ang hepe ng  QCPD masisiguro ang peace and order at maayos na serbisyo ng mga pulis. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …