Tuesday , April 29 2025
DREDGING BUCAO RIVER Zambales

Sa lalawigan ng Zambales
DREDGING SA BUCAO RIVER ITINANGGI NI GOV. EBDANE

MARIING pinabulaanan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane ang akusasyon ng isang negosyante na dredging activities ang dahilan ng pagkasira ng Bucao River.

Ayon kay Ebdane, kailangan nang hukayin ang tone-toneladang lahar na bumabara sa daluyan ng tubig patungong ilog (mula sa lupa patungo sa dagat) na sa loob ng maraming taon ay sanhi ng malawakang pagbaha sa mga kalapit na bayan tuwing umuulan.

Sa panayam kay Ebdane nitong Biyernes, sinabi niyang lubhang kasinungalingan ang ipinagkalat ng isang nagngangalang Heidi Fernandez, na nagsabing may seabed quarrying na nagaganap sa karagatang malapit sa bunganga ng Bucao river.

Desilting project lamang ang pinayagan ni Ebdane sa Bucao river upang ma-rehabilitate na ang ilog.

Napag-alamang pamilya umano ni Fernandez ang may-ari ng Zambawood resort, isa sa pinakamalaking resort sa Zambales.

Posible aniyang pinagtatakpan ni Fernandez ang operasyon ng kanilang resort na pinaiimbestigahan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil wala itong titulo ng lupa at walang

pahintulot para makapag-operate sa beach front ng Bucao river.

Noon pang 2019 ipinanukala ni Governor Ebdane ang desilting dahil tone-toneladang lahar na ang nadeposito sa bunganga ng Bucao river na nagiging dahilan ng pagbaha sa malalapit na barangay.

Hindi na aniya makadaloy nang maigi ang

tubig kapag umuulan mula sa lupa patungo sa karagatan bunga ng tone-toneladang lahar

na humarang sa daluyan ng tubig.

Pinatotohanan ng barangay chairwoman ng Porac na si Lolita Angeles at Rogel Deliguin, barangay captain naman ng Bangan sa Botolan na kailangan nang mag-

desilting sa Bucao river upang ma-rehabilitate na ang ilog.

Nagsimula aniyang magbara ang daluyan ng ilog noong kasagsagan ng bagyong Ondoy noong 2009. Pinabulaanan din nina Angeles at Deliguin ang akusasyon ni Hernandez na inagos ng baha ang mahigit 300 kabahayan sa Bangan.

Ayon kay Angeles, nagsimula ang soil erosion noon pang 2009 samantala nagsimula lamang ang desilting project sa Bucao river noong 2022.

Hinamon ni Ebdane si Fernandez na patunayan ang akusasayon nitong kumikita ang gobernador mula sa desilting activities sa probinsiya. Ang kakontrata

umano ng dredging contractor ay sa panlalawigang pamahalaan na siyang tumatanggap sa buwis na ipinapataw sa nakukuhang buhangin.

About hataw tabloid

Check Also

Landers Opens First-Ever Store in Cavite with Grand Launch at Vermosa on April 23
Premium membership shopping has finally arrived in Cavite!

LANDERS Superstore, the fastest growing membership store in the country, proudly marks another milestone with …

Leninsky Bacud ABP Partylist

ABP Partylist nominee inambus sa harap ng bahay

PATAY ang 2nd nominee ng Ang Bumbero Partylist (ABP) matapos pagbabarilin ng riding in tandem …

042925 Hataw Frontpage

FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PATULOY NA UMAANGAT SA SURVEY
Suporta ng mamamayan lalong lumalakas

HATAW News Team ANG Social Weather Stations (SWS) Survey ng Abril 2025 ay naglagay sa …

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

Reelection bid ni Mayor Honey inendorso ng CTAP

Reelection bid ni Mayor Honey  inendorso ng CTAP

INENDORSO ng  Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP) na binubuo ng libo-libong  …