Monday , December 23 2024

Quiboloy no show pa rin 
ARESTO VS ‘ANAK NG DIYOS’ PIRMADO NA

032024 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

KUNG hindi magtatago, wala nang dahilan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy para iwasan ang warrant of arrest na nilagdaan mismo ng Pangulo ng Senado.

Ito ay matapos ipakita sa media ni Senadora Risa Hontiveros ang warrant of arrest na pirmado ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Bago ang warrant of arrest, inihain kay Quiboloy ang isang show cause order, na ayon kay Hontiveros, kahit hindi nakasaad sa rules ay pinagbigyan ang kahilingan ni Senador Robin Padilla, kahit ilang beses nang inisnab ng pastor ang imbitasyon ng senado.

Ayon sa Senadora magandang regalo ang naturang warrant of arrest ngayong ipinagdiriwang ang buwan ng kababaihan para sa mga babaeng inaabuso.

Iginiit ni Hontiveros kung hindi gumawa ng drama si Quiboloy ay hindi sila hahantong sa kasalukuyang sitwasyon.

Umaasa ang senadora na magiging mapayapa ang pag-aresto kay Quiboloy at malayang sasama sa mga tauhan ng OSSA.

Sa sandaling tuluyang maaresto si Quiboloy ay mananatili siya sa isang silid sa tabi ng parking lot ng mga senador at tanging ang kanyang pamilya at abogado ang maaaring dumalaw at makausap niya. 

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …