Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach Khristine Kate Almendras Ornopia

Pia Wurtzbach idolo ni Miss Universe SuperGrand Prix 2023 Khristine Ornopia

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGANDA, matangkad, at napakahusay sumagot sa mga katanungan ang 12 year old beauty queen & model na si Khristine Kate Almendras Ornopia na itinanghal na Young Miss Universe SuperGrand Prix 2023.

At sa lahat ng mga Pinay beauty queen na lumaban sa ibang bansa at nanalo, ang Miss Universe 2015na si Pia Wurtzbach ang idolo ni Khristine. Bukod kasi sa napakaganda ni Pia ay napakatalino pa nito at mahusay sumagot, kaya naman siya ang inspirasyon ni Khristine.

Katulad ni Pia, dream din ni Khristine na maging Miss Universe kaya naman kahit bata pa ito ay nagsisimula na siyang mag-training sa tulong ng kanyang mentor na si Ayen Cas.

Isa sa bubuo ng kanyang pangarap ang makita, makasama, at makatrabaho ni Khristine si Pia in the near future.

Nagpapasalamat si Khristine sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Ma. Christina Almendras-Ornopia at Rodrigo Ornopia sa pangarap niyang maging beauty quren at sikat na model.

At sa latest edition ng Aspire Magazine Philippines (The Flight of the Phoenix) ay isa si Khristine sa featured beauty queen & model na makikita sa pahina nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …