Monday , December 23 2024
Alan Peter Cayetano Pia Cayetano

Cayetano – DSWD partnership, nag-abot ng tulong sa 800 residente ng Iloilo

SA MULING pagbisita sa probinsiya ng Iloilo, ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano ay nag-abot ng tulong sa 800 residente mula sa mga bayan ng Sara at Jaro nitong nakaraang Huwebes at Biyernes, 14-15 Marso 2024.

Muling nakipagtulungan ang mga senador sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang dalawang-araw na pagbisita.

Ang mga benepisaryo ay nagmula sa sektor ng kabataan at small business owners, at iba pang komunidad sa probinsiya.

Matapos ang isang makabuluhang courtesy visit kay Sara, Iloilo Vice Mayor Ryan Zerrudo, 500 kabataan at small business owners ang nakatanggap ng kinakailangang tulong noong 14 Marso 2024.

“Thank you po sa inyong pag-palangga sa amo na banwa. Marami po kayong natulungan especially ngayon na timing po sa El Niño kasi marami pong naghihirap dito sa aming bayan,” wika ni Vice Mayor Zerrudo.

Naging matagumpay din ang aktibidad dahil sa tulong ni Sangguniang Kabataan Federation President Esara Javier.

Nang sumunod na araw, 300 benepisaryo din ang nakatanggap ng tulong mula sa Cayetano – DSWD partnership sa kanilang pagbisita sa Jaro, Iloilo City.

Kabilang si Romie Pancho, nagpahayag ng pasasalamat sa tulong ng mga senador sa kanilang komunidad.

“We are very thankful. Thank you po in behalf po ng buong sektor namin dito sa Western Visayas. Salamat po nang marami,” wika niya.

Ang dalawang-araw ng mga aktibidad sa Iloilo ay parte ng malawakang pagtulong nina Senator Alan and Senator Pia, na patuloy na inaabot ang marami pang marginalized sectors sa bansa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

Bukod sa City of Love, nagpaabot din ng tulong ang magkapatid na senador sa iba’t ibang sektor sa Pangasinan, Cagayan Valley, Ilocos Sur, at La Union sa loob ng parehong linggo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …